Daet, Camarines Norte (Disyembre 10, 2014) – Dalawang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan bilang paunang hakbang sa suliraning idinulog ng GPTA ng Camarines Norte State College Abaño Laboratory Campus kaugnay sa balakin ng pag phase down ng basic education dito.
Kanina, kasabay ng pagdalo ng mga opisyal ng GPTA ng CNSC Abaño Campus, nag pahayag ng kanyang Privilege Speech si Vice Governor Jonah G. Pimentel na nag papahayag ng buong suporta sa pag tutol sa tuluyang pag aalis ng basic education sa naturang paaralan.
Anya, isa na itong institusyon at napakarami nang mga mamamayan ng Camarines Norte na nagtapos sa naturang paaralan na pawang matatagumpay na sa kani-kanilang larangan sa ngayon.
Inisa-isa ni Pimentel ang ilan lamang sa mga pangalan ng personaheng nagtapos dito na sa ngayon ay pawang mga kilala na sa lipunan at pawang mga propesyunal na. Maging ang mga karangalan at tagumpay na dinala ng paaralan at mga estudyante sa lalawigan.
Binigyan diin ni Vice Governor Pimentel na walang naman dapat sisihin sa naturang sitwasyon bagkus ay kinakailangan lamang na harapan ang hamon na dala ng sitwasyon.
Nauunawaan ng bise gobernador ang kalagayan ng pamunuan ng CNSC na dahilan sa kakulangan ng pondo ay ito ang naiisip na pamamaraan.
Sa pagkakataon anyang ito, kinakailangan na magtulungan ang mga opisyal ng lalawigan hanggang sa mga barangay na nakasasakop at apektado nito.
Ang CNSC Abaño Campus na dating nasa pangangalaga ng Department of Education ay kasalukuya nang nasa ilalim ng pamamahala ng CHED matapos na ito ay maintegrate sa pagbubukas ng State College sa lalawigan bilang laboratory campus ng Education Department ng naturang kolehiyo.
Subalit sa kabila ng isinusumiteng budget ng Board of Trustees ng CNSC sa kongreso sa budget deliberaton ay hindi rin umano nabibigyan ng sapat na pondo ang paaralan para makapagpatuloy ito ng operasyon.
Sa kasalukuyan ay ang CNSC Main Campus ang bumabalikat sa mga gastusin ng Abaño Campus sa nakalipas na mga taon.
Samantala, sa pahayag naman ni Dante Barbado, ang pangulo ng CNSC Abaño Elementary Level, sinabi nito na matagal na rin namang panahon na ang GPTA na ang bumabalikat ng mga gastusin ng nasabing paaralan. Anya, mula sa kuryente, tubig, maintenance ng paaralan at ilan pang mga gastusin ay pinag sasalu-saluhan na ito ng mga magulang ang pag gastos para dito.
Ipinagtataka lamang umano nila na tanging ang pang sweldo sa mga guro na lamang halos ang gastusin ng pamunuan ng CNSC subalit tila hirap na hirap pa rin ang nasabing paaralan.
Ayun naman kay Vice Governor Jonah Pimentel, isa itong malaking hamon sa lahat ng opisyal ng lalawigan at maging ng bayan ng Daet na dapat na pagkaisahang pag tulung tulungan upang mapanatili ang naturang basic education sa CNSC.
Isa anya itong kaso ng “unfunded legislation” o isang batas na hindi napopondohan.
Ang nasabing privilege speeh ni VG Jonah Pimentel ay umani mula sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan at maging sa mga magulang ng mga mag aaral sa naturang paaralan.

Narito ang kabuuan ng malayang pamamahayag ni Vice Gov. Pimentel: “Colleagues, ladies and gentlemen, I take this privilege of standing before you today with only one aspiration, one mission in mind – as your Vice Governor and as a NATIVE of Camarines Norte, I WANT TO ASK FOR YOUR
SUPPORT TO SAVE THE CAMARINES NORTE STATE COLLEGE LABORATORY ELEMENTARY AND HIGH SCHOOL – ABAÑO CAMPUS.
With your indulgence, I will mention some names to you:
- MARION ELOISA ESCUETA-LEGACION and EMILIO ESCUETA, siblings, both excellent lawyers
- RAUL, PAUL & PHILLIP PALENCIA, siblings, all doctors their sister, JOSEPHINE PALENCIA, now works at the National Aeronautics and Space Administration (NASA)
- RAYMUND AQUINO, JOSEPH ANTHONY BOMA, MIRIAM DIPASUPIL & RACHEL RAMOS, all lawyers
- RENE ZAÑO & FELIX ZAÑO, first cousins, doctors
- BJ ALER, former Member of the Sangguniang Panlalawigan SKPF
- JOAN KRISTINE T. DE LUNA, Municipal Councilor
- ENRICO FREYRA, engineer
- FE ROJAS BADAGUAS, School Directress
- ARSELIE GACHE-ESTACION, Asst Vice President, AON Consulting
- Maria Adelaida Alberto, National Champion Quiz Bee
- Rhoda Ramores-Lausin, Doctor
Pasintabi po sa nakararami pang mga hindi ko nabanggit, dahil kung iisa-isahin ko po, ay baka maubos ko ang oras na ibinigay sa akin sa ilalim ng rules ng Sangguniang Panlalawigan, na itinakda sa loob lamang ng limang minuto.
What is common among these individuals, all successful in their chosen fields of endeavor and who have in their own rights, given our province honor and pride, it is Abaño. It is Camarines Norte State College Laboratory Elementary and High School Abaño Campus, Formerly known as Abaño Pilot Elementary School. Pero ito ba ay para sa kanila, para sila ay papurihan? Hindi po!
Tayo po ay tumatayo ngayon para sa kapakanan ng mga kasalukuyang mag-aaral sa Abaño at ng mga susunod pang henerasyon upang sila ay makapag-aral ng walang pag-aalinlangan kung sa mga susunod na taon ay bukas pa ang kanilang paaralan. Ang mga sumusunod po ay ilan sa mga kasalukuyang nagaaral sa Abaño na lumahok kamakailan sa Division Elementary Schools Press Conference:
- RUTH CARLA J. PEÑAFLORIDA, 1st place, Feature Writing
- DIOMUEL DAVE M. RETIG, 1st Place, Photojournalism
- ANTONETTE JOYCE L. DAVID, 1ST Place, Editorial Cartooning
Noong November 13 & 14 po, ay sumali din ang Abaño sa Division Patiribayan Festival in Science at muli, nais kong banggitin ang mga sumusunod:
LIFE SCIENCE
Individual Category : BEA JEAN G. FAJARDO, 1st Place
Team :
CLINT VINCENT V. MUSA
MARK GABRIELLE B. ONG 1st Place
RUTH CARLA J. PEÑAFLORIDA
PHYSICAL/APPLIED SCIENCE
Team :
ANGELICA KAYE GAN
LYSSANDRA S. APUYA
GRACE LOUCHEL P. SILVIO, 1st Place
Sumali din po ang DLC ng Abaño ay nanalo din sa national Level in Manila. Marami pa pong iba pero too many to mention.
Kung ang isang paaralan at ang mga mag-aaral dito ay ganito kaganda ang performance, hindi ho ba nararapat lang na ating pagsikapang manatili itong bukas para sa mga kabataan ng Camarines Norte lalot higit dito sa bayan ng Daet.
Tayo rin po ay tumatayo para sa mga susunod na henerasyon ng Camnorteños upang sila ay di mapagkaitan ng pagkakataong makapag-aral sa isang institusyon kung saan ang mga nagtapos ay nagkaroon ng mga kakayahang sapat, kakayahang nagtaguyod sa kanila upang harapin ang mga pagsubok sa buhay at maging matagumpay sa kalaunan.
Naiintindihan ko po na isang suliranin nga ang magkaroon ng tinatawag na “unfunded legislation”, SUBALIT, bilang isa sa mga taga bigay ng serbisyo publico sa lalawigang ito, buo po ang aking paniniwala, may solusyon ang bawat suliranin. Our generation, especially the leadership of CNSC, is now faced with a challenge: “unfunded legislation”.
Ang unfunded legislation ay isang batas o lehislasyon na hindi naman napaglaanan ng pondo upang ito ay maisakatuparan.
Let us compare Abaño, this “unfunded mandate”, to a gravely ill individual. Isang tao na may malubhang karamdaman. Ano po ang solusyon? O hahayaang mamatay sa sakit? I believe that we must regard this situation as an opportunity to rise above ourselves and be examples to these young students of Abaño by doing our utmost to overcome this obstacle.
Bilang mga halal na opisyal ay tungkulintalaga natin na ito ay harapin. Bagman ito ay isang ahensya na nasa ilalim ng ched, ay ang kanilang mga kliyente ay sya rin naman mamamayan ng ating lalawigan.
No less than the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines provides that, please allow me to quote,
Section 17. “The state shall give priority to education, science and technology, arts, culture, and sports to foster patriotism and nationalism, accelerate social progress, and promote total human liberation and development.”
It further states, again allow me to quote,
Section 5. “xxx … and the promotion of the general welfare are essential for the enjoyment by all the people of the blessings of democracy.” These are not just words. This is our obligation to our people. Let this be our commitment and our mission too.
Naniniwala po ako na kaisa ko ang mga miyebro ng sp sa hamong ito. Simulan po natin ito sa pamamagitan ng
Kaisa ko po ba kayo, mga minamahal kong kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan, sa layuning ito? Kung oo, simulan po natin ito sa isang resolusyong humihiling sa Commission on Higher Education na lagyan ng pondo ang paaralang ito.
Sa biglang tingin ay napaka-simple po. Unfunded legislation – ay sulusyon ay hanapan po natin ng pondo.
Hinihiling ko din ang ating mga kapwa opisyal at iba pang mga stakeholders, katulad ng ating kinatawan sa ikalawang distrito, Congressman Eming Panotes, na naniniwala ako na malaki ang matitutulong sa atin upang ang problema o ang challenge ng unfunded legislation ay mabigyan ng sulusyon. Hikayatin din natin sina Mayor Tito Sario at ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ahlong Ong na samahan ang Sangguniang Panlalawigan sa paglalakbay na ito patungo sa kalutasan ng hamon ng kasalukuyang hinaharap ng Abaño campus. Ang mga punong barangay at ang Sangguniang Barangay ng mga apektadong barangay sana ay makasama din po natin.
Harapin po natin ang hamon!
Hindi po natin sinisisi ang pamunuan ng Camarines Norte State College, si President Monsito Ilarde, bagkus ay hihilingin natin na sya ay makasama natin upang ang sulusyon ay hind imaging pagsasara, bagkus ang sulusyon ay hanapan ng karampatang pondo upang maipagpatuloy ang operasyon ng Abaño campus.
Wag naman sana po na maitala sa ating kasaysayan na sa ilalim ng ating pagbabantay ay maisara ang Abaño Campus.
Pagdating ng panahon, lahat po tayo ay magiging ala-ala lamang, kaya pagsumikapan natin na yang ala-ala na yan ay maging mabuting ala-ala, at hindi ang ala ala na kaya naisara ang Abaño Campus ay dahil pinagwalang bahala ng kasalukuyang opisyal ngayon.
Pagkatapos ng resolusyon, ituloy natin sa isang libo’t isang hakbang pa, higit pa kung kakailanganin – kausapin ang dapat kausapin, sulatan ang dapat sulatan, padalhan ng resolusyong ang bawat ahensya ng pamahalaang makatutulong sa atin, hanggang dumating ang araw na tayo ay mabigyan ng kasiguruhang mananatiling bukas ang CAMARINES NORTE STATE COLLEGE LABORATORY ELEMENTARY AND HIGH SCHOOL – ABAÑO CAMPUS.
Before I end, allow me to share this with you. Nelson Mandela, the man whose triumph against every imaginable torment a man can endure has earned the respect of his people and even of world leaders, said that “education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”
He further articulated that our human compassion binds us to one another – not in pity, but as human beings who have learnt how to turn our common ordeals into hope for the future. Mga magulang, mga mag-aaral ng Abaño, kasama po ninyo ang Sangguniang Panlalawigan, magsama-sama po tayo sa layuning ito.
Maraming salamat po!”
-Vice Governor Jonah G. Pimentel
Samantala, narito ang dalawang resolusyon na ipinasa kaugnay ng naturang usapin na isinulong ng kabuuang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, bilang paunang hakbang:
A RESOLUTION STRONGLY URGING THE COMMISSION ON HIGHER EDUCATION TO CANCEL PERMANENTLY THE IMPLEMENTATION OF THE PHASING-OUT OR PHASINGDOWN OF CAMARINES NORTE STATE COLLEGE LABORATORY ELEMENTARY AND HIGH SCHOOL-ABAÑO CAMPUS.
A RESOLUTION STRONGLY URGING HIS EXCELLENCY PRESIDENT BENIGNO S. AQUINO III TO ALLOCATE FUNDS FOR THE OPERATIONS OF CAMARINES NORTE STATE COLLEGE LABORATORY ELEMENTARY AND HIGH SCHOOL-ABAÑO CAMPUS.
Camarines Norte News