52 PEOPLE WITH DISABILITIES, TUMANGGAP NG TULONG MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

52 PEOPLE WITH DISABILITIES, TUMANGGAP NG TULONG MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 11, 2014) – “Sa tinagal-tagal ng panahon na ako ay nag-i-skate, (ngayon) ay wheelchair na.”, ito ang emosyonal na pahayag ni Medel, 50 taong gulang at residente ng bayan ng Vinzons, matapos maibigay sa kanya ang bagong wheelchair mula kay Governor Egay Tallado kahapon sa ginawang distribusyon ng mga assistive devices para sa People with Disabilities (PWDs) sa harapan ng kapitolyo probinsiyal.

Ang skate na tinutukoy ni Medel ay ang pinanday na kahoy na may dalawang gulong na 35 taon na nyang ginagamit sa iba’t ibang gawain sa kanyang tahanan. Idinagdag nito na “gagamitin ko pa rin yan (skate) sa mga lugar na hindi kakayanin ng wheelchair”.

Kahapon ay 52 PWDs ang tumanggap ng wheelchairs, habang may 36 na binigyan ng quad canes, at apat na crutches sa pagsasagawa ng pangalawang distribusyon ngayong taon sa pamamahala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Una ng nagkaroon ng kaparehong programa noong nakaraang Mayo taong kasalukuyan.

Sa gitna ng hindi maitagong mga ngiti at kasiyahan ng mga kaanak at mismong mga benepisyaryo ng mga assistive devices ay ang deklarasyon ni Governor Tallado na pagtutulungan nila ni Vice Governor Jonah Pimentel na patuloy na madagdagan ang pondo para sa mga PWDs ng Camarines Norte upang mas marami pa itong matulungan sa mga darating na panahon.

Norj Abarca
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *