ISANG LALAKI SA BAYAN NG LABO, MAPALAD NA NAKALIGTAS MATAPOS PAGBABARILIN NG MGA HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK!

ISANG LALAKI SA BAYAN NG LABO, MAPALAD NA NAKALIGTAS MATAPOS PAGBABARILIN NG MGA HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK!

Labo, Camarines Norte (Disyembre 12, 2014) – Pinalad na makaligtas ang isang lalaki sa Bayan ng Labo makaraan itong pagbabarilin ng hindi pa mga nakikilalang salarin nitong nakatalikod na Disyembre 10, 2014 (Miyerkules) sa Purok 3, Barangay Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Geoffrey N. Fernandez, Acting Chief of Police ng Labo Municipal Police Station (MPS), bandang 5:30 ng hapon ng nabanggit na petsa, habang bumabyahe ang biktimang kinilalang si Rex De Vela y Jamito, 34 na taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Lugui, Labo, Camarines Norte sakay ng kanyang tricycle na may body no. 262 at plate no. 8129 EW mula Barangay Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte patungo sa centro ng Labo ay isang Starex na Maroon na may plate no. na UPC 168 mula sa kasalungat na direksyon ang biglang nag u-turn at sumunod sa kanya.

Agad namang naalerto ang biktima at biglang tumalon sa naturang lugar, habang tumatakbo patungo sa madamong bahagi ay pinaputukan ito ng (mga) suspek gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Mapalad na hindi tinamaan ang biktima habang agad na tumakas ang (mga) suspek patungo sa di pa malamang direksyon gamit ang naturang sasakyan.

Samantala, agarang nagsagawa ng follow-up operation para sa posibleng pagkakakilalan at pagdakip sa suspek ang Labo – MPS habang patuloy pa ring inaalam ang motibo sa naturang pamamaril.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *