JOSE PANGANIBAN MAYOR DONG PADILLA, PINAIMBESTIGAHAN SA PDEA AT NBI ANG NAKUMPISKANG KEMIKAL SA BRGY NAKALAYA; RESULTA NG LAB TEST NG PDEA, NEGATIBO SA DROGA! 2ND OPINION MULA SA NBI AT DENR, HINIHINTAY PA!

JOSE PANGANIBAN MAYOR DONG PADILLA, PINAIMBESTIGAHAN SA PDEA AT NBI ANG NAKUMPISKANG KEMIKAL SA BRGY NAKALAYA; RESULTA NG LAB TEST NG PDEA, NEGATIBO SA DROGA! 2ND OPINION MULA SA NBI AT DENR, HINIHINTAY PA!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Disyembre 12, 2014) – Negatibo sa droga ang mga nakumpiskang kemikal ng mga awtoridad nitong Disyembre 6, 2014 sa Barangay Nakalaya, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte ayun sa resulta ng pag aaral ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mismong si Mayor Ricarte “Dong” Padilla ang nagpursige na mapaimbestigahan at mapasuri ang nasabing mga kemikal na sinasabing may naka susulasok na amoy.

Kamakailan, agad na naitala  sa isang Facebook Account ng isang miyembro ng media, na nababanggit umano na pinaghihinalaang sangkap sa droga ang laman ng naturang mga drum na sakay ng isang truck, at may nababanggit din diumano na mayroong may dala pang mahahabang baril at may isa ring Chinese National. Nabanggit din ang posiblen white wash kung kaya’t naalarma dito ang alkalde ng naturang bayan.

Agaran ding naipadala ng Philippine National Police – Jose Panganiban (PNP) ang sample ng naturang mga kemikal sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang ipasuri kung ito ay may sangkap sa paggawa ng droga at sa ipinadalang resulta, negatibo ito sa naturang illegal substance. Sa ulat ng pulisya, wala ring Chinese national na nakita sa insidente.

Hindi naitago ni Mayor Dong Padilla ang sama ng loob at pagkadismaya sa nagpalabas ng ulat na lubha anyang makakasira sa magandang imahe ng Jose Panganiban. Anya, hindi lamang ang Jose Panganiban ang nasisira kundi ang buong lalawigan ng Camarines Norte.

Hindi rin maunawaan ng alkalde kung bakit ganun ang naging tema ng ulat ng mamamahayag na sa kanyang paniniwala anya ay kanyang kakampi sa pulitika. Hindi man lang rin anya nakipag-ugnayan sa kanya o maging sa Jose Panganiban PNP ang mamamahayag kung kayat hindi nya maubos isipin kung saan nagmula ang mga isinulat nito sa Facebook Account nito.

Lubhang nabahala si Mayor Padilla matapos na mabasa nya ang samu’t saring kumento ng mga taga Camarines Norte sa nasabing post at tila nagkakaroon na ng mga paghuhusga.

Labis ang pakiusap ng alkalde sa lahat ng mamamahayag na maging responsible dahilan sa mahirap nang maituwid pa ang isang pagkakamali sakaling marinig, mapanood o mabasa na ito ng publiko.

Bagamat, negatibo na sa illegal na droga ang nasabing mga kemikal, inimbitahan pa rin ni Mayor Dong Padilla ang mga ahente ng NBI, upang magsagawa pa rin ng eksaminasyon upang matiyak na walang white wash na mangyayari at masiguro ang resulta. Kahapon din, Disyembre 11, 2014, dumating ang mga ahente ng NBI Manila at mga kinatawan ng DENR upang magsagawa rin ng pagsusuri. Ayun sa alkalde, bagamat negatibo ito sa droga ay nais pa rin nyang malaman kung ano ang tinataglay ng nasabing mga kemikal na nagdudulot ng matinding nakasusulasok na amoy. Nais tiyakin ni Padilla na hindi malalagay sa peligro ang kalusugan ng kanyang mga kababayan.

PNP BRIEF NARRATIVE OF THE INCIDENT

Nagsimula ang nasabing usapin noong bandang 11:30 ng umaga ng Disyembre 6, 2014 (Sabado) ng personal na magtungo si Municipal Councilor Pompeyo Guzman sa himpilan ng pulisya ng Jose Panganiban upang humingi ng asistensya hinggil sa isang vehicular accident na kinasasangkutan ng isang Truck at isang pampasaherong traysikel. Agarang tumungo sa sito Malapayungan sa Brgy Nakalaya kung saan naganap ang aksidente ang mga miyembro ng pulisya kasama si Konsehal Pompeyo at ilang miyembro ng kabalikat civicom Jose Panganiban. Hinanap/hinabol at natagpuan ng mga awtoridad ang isang FOTON Truck na may plakang UIW 737 na may kargang humigit kumulang 250 Liquid Effluent (tailings) at limang plastic drum na naglalaman ng hindi pa matukoy na kemikal. Ito ay minamaneho ng isang nagngangalang Dennis Bongat Y Arguilles36 taong gulang ng P-1 Santa Isabel Road, Penafrancia, Cupang Antipolo City, kasama ang apat na iba pa na nagngangalang Angelito Silapan Y Juan, 48 taong gulang ng Sitio Maligaya, San Juan City, Dindo Almarez Y Aben 34 taong gulang ng Ciudad Nuevo, Sabang, Placido Almarez Y Toyo, 57 taong gulang ng Lupi, Camarines Sur, at Jimmy San Juan Y Adalia,38 taong gulang, Sipocot, Camarines Sur. Nabatid na patungo umano sa Brgy. Larap, Jose Panganiban ang naturang Truck.

Sa pagberipika ng mga pulis, walang naipakitang anumang legal na dokumento ang mga sakay nito partikular ng Ore Transport Permit (OTP).  Makikita din na tumatagas na ang mga kemikal mula sa sasakyan na may masangsang na amoy.

Habang kinakausap ni PO1 Melvin Abarca ang driver, napuna nito ang bukas na fatigue shoulder bag na naglalaman ng hindi pa madeterminang kalbre ng baril, at nang ipakita na ito ng driver, nakumpimang isang itong kalibre 22 na magnum stainless na may serial number 608080 na kargado ng 12 bala. Wala ring naipakitang dokumento ng baril ang driver kung kayat agaran na itong inaresto ng mga pulis.

Agaran ding nakipag ugnayan ang Jose Panganiban PNP sa Environmental Management Bureau ng DENR upang alamin kung ano ang maaaring gawin sa nasabing mga kemikal.

Sinampahan na rin ng kasong paglabag sa RA 10591 ang driver na si Dennis Bongat dahilan sa pagtataglay nito ng baril na walang kaukulang dokumento.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *