LALAKI, PATAY SA AKSIDENTE NGAYONG UMAGA, SA VINZONS AVE. DAET, CAMARINES NORTE HABANG PAPAUWI GALING CHRISTMAS PARTY!

LALAKI, PATAY SA AKSIDENTE NGAYONG UMAGA, SA VINZONS AVE. DAET, CAMARINES NORTE HABANG PAPAUWI GALING CHRISTMAS PARTY!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 15, 2014) – Hindi na umabot pa ng pasko ang isang lalaki matapos na sumalpok sa isang nakaparadang Delivery Truck sa bahagi ng Vinzons Avenue Daet, Camarines Norte, malapit sa tapat ng Himpilan ng DZMD kaninang madaling araw.

Galing sa Christmas Party sa isang restaurant sa Central Plaza Complex ang biktimang si Orly Fabricante, tinatayang nasa 24 hanggang 25 taong gulang, residente ng Brgy. Awitan, Daet, Camarines Norte, at kawani ng LCC Mall nang aksidenteng sumalpok ito sa isang nakaparadang truck sa nabanggit na lugar.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Camarines Norte News, nabatid na alas 4:30 ng madaling araw, habang nasa kalakasan ng ulan, mula sa naturang okasyon, ihahatid umano ni Fabricante ang babaeng katrabaho nito sa bayan ng Talisay nang maganap ang trahedya. Dead on the spot at may tama sa ulo ang driver na si Fabricante samantalang nagpapagaling naman ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH), ang katrabaho at angkas nito na may tama rin sa bahagi ng ulo

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.