Paracale, Camarines Norte (Disyembre 19, 2014) – Nanguna ang Paracale PNP sa pinaka magaling o performing Police Station sa umaabot sa 113 Cities and Municipal Police stations buong rehiyong Bicol. Tinanggap mismo ni Paracale Chief of Police P/Cinsp. Rommel S. Labarro ang naturang award sa ginanap na awarding ceremony sa Camp Gen. Semeon A. Ola sa lunsod ng Legaspi nito lamang nakatalikod na Disyembre 15, 2014.
Ang naturang pagkilala at parangal ay bunsod ng maigting na pagpapatupad ng Paracale PNP “Target Output Policy” sa mga panahon ng mula Pebrero 1, 2014 hanggang Oktubre 31, 2014.
Nanguna ang nasabing himpilan ng pulisya sa larangan ng Crime Prevention, Law Enforcement and Crime Solution, nakakalap ito ng 80.81%.
Kasama sa mga pinarangalan at tumanggap ng MEDALYA NG KAGALINGAN (PNP Merit Medal) ang mga kasamahan ni COP Rommel B. Labarro sina P/Insp. Henry V. Taduran; SPO3 Nomer L. Elaga; SPO3 Enrico B. Labarro; SPO1 Michael G. Surla; PO3 Ruben S. Abejero Jr.; PO3 Christy S. Cama; PO3 Jepte Q. Cribe Jr.; PO3 Joel F. Decena; PO3 Ferdinand H. Edora; PO3 Andres P. Figura Jr.; PO3 Rommel R. Guamos.
Nilagdaan ni P/SSupt. Lito Buentiempo Pitallano, OIC, Office if the Regional Chief Staff at P/Supt. Froilan P. Elorpe, Acting Chief, Regioan Personnel and Human resource Management Division PNP Region V.
Camarines Norte News