PAGBUBUSAL SA MGA BARIL NG MGA PULIS SA CAMARINES NORTE, ISINAGAWA!

PAGBUBUSAL SA MGA BARIL NG MGA PULIS SA CAMARINES NORTE, ISINAGAWA!

Camp Wenceslao Vinzons, Daet, Camarines Norte (Disyembre 24, 2014) – Magkakasabay na isinagawa sa 12 Municipal Police Stations (MPS) at Police Provincial Office (PPO) sa Lalawigan ng Camarines Norte ang taunang pagseselyo ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga service firearms nitong Disyembre 22, 2014 (Lunes).

Ang naturang aktibidad na pinangunahan ni PS/Supt. Moises C. Pagaduan, Acting Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), ay batay sa isang morandum na inisyu ni PNP Officer-In-Charge, PDDG Leonardo Espina sa lahat ng PNP personnel para sa pagpapa-igting ng kanilang kampanya laban sa ilegal na pagdadala ng baril at walang habas na pagpapaputok sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Pagaduan, mahigpit nilang ipatutupad ang panuntunan kaugnay ng indiscriminate firing sa hanay ng uniformed personnel, miyembro ng enforcement agencies at sibilyang masasangkot dito.

Dagdag pa ni Pagaduan, maaari lamang gamitin ang mga naturang baril ng mga pulis kung ito ay kinakailangang rumesponde sa isang krimen. Haharap naman sa mabigat na parusa ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang magpapaputok ng baril sa mga susunod na araw.

Ricky Pera/Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *