ISANG LALAKI, PATAY MATAPOS PALUIN NG MATIGAS NA BAGAY SA ULO SA BAYAN NG LABO!

ISANG LALAKI, PATAY MATAPOS PALUIN NG MATIGAS NA BAGAY SA ULO SA BAYAN NG LABO!

Labo, Camarines Norte (Disyembre 25, 2014) – Hindi na umabot ng pasko ang isang lalaki matapos itong mapatay sa kahapon (Disyembre 24, 2014) bandang 1:50 ng madaling-araw saPurok 6, Barangay Mabilo, Labo, Camarines Norte.

Batay sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Geoffrey N. Fernandez, Acting Chief of Police ng Labo Municipal Police Station (MPS), isang Antonio Garfin Jr y De Leon a.k.a “Joey”, 35 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 6, Barangay Mabilo 2, Labo, Camarines Norte ang pumunta sa tindahan ni Ian Quibral y Doe aka “Ian”,nasa 21-23 taong gulangwalang asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 6, Barangay Mabilo 2, Labo, Camarines Norte, at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nitong sinuntok si Quibral sa mukha ng dalawang ulit at pinagsisipa sa katawan subalit naawat naman ito ng isang Bensito Octa.

Matapos ang insidente, agad na pumunta si Quibral sa barangay hall upang iulat ang pangyayari, at sa pagkakataong ding iyon ay sumulpot na lamang ang biktimang si Garfin sa pinto ng naturang gusali na may dalang basag na bote habang dinuduro sa suspek.

Sa pangalawang pagkakataon ay isang Carlos Dizon naman ang umawat at nag-utos kay Garfin na ibaba ang hawak na agad namang sinunod nito dahil nirerespeto umano niya si Dizon. Matapos na itapon ng biktima ang boteng hawak nito ay bigla naman hinabol ni Quibral ang biktima patungo sa direksyon ng Barangay Tulay Na Lupa.

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lamang ang bangkay ni Antonio Garfin sa gilid ng kalsada ng naturang barangay habang duguan ang bahagi ng ulo nito at pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima. Natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife na may habang 12 inches, pares ng tsinelas na hinihinalang pagmamay-ari ng suspek, at isang bato malapit sa katawan ng biktima at pinaniniwalaang ginamit na pamalo ni Quibral.

Samantala, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga otoridad sa posibleng ikadarakip ng suspek, habang dinala na sa Funeraria Belmonte sa Bayan ng Labo ang labi ng biktima upang isailalim sa autopsy.

Edwin Datan,Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *