LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG ISANG PAARALAN SA BAYAN NG DAET!

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG ISANG PAARALAN SA BAYAN NG DAET!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 26, 2014) – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang paaralan sa Luisito Street, Purok 3, Barangay II, Daet, Camarines Norte, kahapon (Disyembre 25, 2014) bandang alas-6 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Daet Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni P/Supt. Paul F. Abay, Chief of Police ng Daet MPS, lumalabas na natagpuan ng Security Guard ng San Luis Elementary School na si Jojo Seva y

Eboña, 32 taong gulang, ang walang malay at nakahandusay sa tapat ng isang silid nang papatayin na nito ang mga ilaw sa paaralan ang biktimang kinilalang si Joseph Alcantara Y Serrano, 37 taong gulang, may asawa, at residente

ng Vivencio Street, Barangay II, Daet, Camarines Norte na kalapit lamang ng paaralan kung saan ito nakatira.

Agad naman itong iniulat ni Seva sa mga lokal na opisyal at isinugod agad sa Camarnes Norte Provincial Hospital (CNPH) ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) personnel ngunit sa kasamaang-palad ay idineklara na itong Dead on Arrival (DOA) nang umasikasong duktor.

Bago ang naturang insidente, napag-alaman mula sa asawa ng biktimang si Juget Alcantara y Parcon na dumaranas ang kanyang asawa ng karamdaman sa puso, at bandang alas-7 naman ng gabi ng bisperas ng Pasko ay nakipag-inuman pa ang biktima sa bahay ng kaibigan nito sa Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng Daet MPS na malaki ang posibilidad na nasa impluwensya ng alak ang biktima habang papauwi na ito sa kanilang bahay. Umakyat din umano ang biktima ibabaw ng bubong paaralan at aksidenteng nahulog na dahilan ng pagkabagok ng ulo nito.

Kasalukuyan nang nasa Belmonte Funeral Homes ang labi ng biktima at nakatakdang sumailalim sa autopsy habang patuloy pa rin ang isinasagawang malalim na pag-iimbestiga ng Daet MPS sa naturang pangyayari.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.