UPDATE: PNP AT PHILIPPINE ARMY, NAGSAGAWA NG PAGPUPULONG KAUGNAY NG PAGPAPASABOG NG 4 NA HEAVY EQUIPMENT SA BAYAN NG PARACALE!

UPDATE: PNP AT PHILIPPINE ARMY, NAGSAGAWA NG PAGPUPULONG KAUGNAY NG PAGPAPASABOG NG 4 NA HEAVY EQUIPMENT SA BAYAN NG PARACALE!

Camp Wenceslao Vinzons, Daet, Camarines Norte (Disyembre 28, 2014) – Nagsagawa ng isang pagpupulong ang pinagsamang pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) nitong nakatalikod na Biyernes (Disyembre 26, 2014) sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) kaugnay ng nangyaring pagpapasabog sa 4 na heavy equipment sa Sitio Buhangin Barangay Gumaus, Paracale, Camarines Norte.

Ito ay pinangunahan ni P/Supt. Leo E. Quevedo, Deputy Provincial Director for Administration (DPDA), at dinaluhan nina LTC Medel M. Aguilar ng 49IB, 9 ID, PA, P/Supt. Arnulfo M. Selencio, P/Supt. Honesto A. Garon, PC/Insp. Rommel B. Labbaro, PC/Insp. Martin P. Ngadao, Jr., at kinatawan mula sa PIDMB, PPSC, at IOPs ng PPO.

Pinagtuunan ng pansin sa naturang pagpupulong ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mga miyembro ng CPP-NPA-NDF (CNN) sa pamamagitan ng sinumpaang-salaysay ng mga trabahador mula sa VC Varin Construction katuwang ang Provincial Intelligence Section (PIS) sa tulong ng kanilang listahan ng mga CNN members na kasalukuyang nag-oopera sa lalawigan.

Siniguro rin ni Francisco Andaya, foreman ng naturang construction firm na sa Lunes (Disyembre 29, 2014) ay magbibigay din ng sinumpaang-salaysay ang ilan pa nyang kasama sa trabaho na naroroon at nakasaksi sa naturang insidente.

Batay naman kay Robinson Sabas mula pa rin sa VC Varin Construction, ang nangyayaring pambobomba ay bunga marahil ng nakaraang demand ng CNN habang sila ay nagsasagawa naman ng pangkokongkreto sa daan mula Bagong

Silang, Labo, hanggang Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte. Tiniyak din ni Sabas ang lubos nilang pakikipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad, gayundin ang pagibibgay niya ng kopya ng naturang demand letter mula sa CNN na kinakatawan ng isang “Ka Favian”.

Isa namang Task Team ang binuo ni PC/Insp. Rommel B. Labarro na tututok sa pagsisiyasat sa naturang pagpapasabog sa pakikipagtulungan na rin ng PIDMB, PIB, PPSC, at AFP. Samantala, paiigitingin pa umano ang kampanya ng PNP at AFP upang mapigil ang mga kaparehong krimen at walang kabuluhang mga ginagawa ng naturang grupong CNN.

Siniguro rin ng nina P/Supt Leo E. Quevedo, DPDA, at LTC Medel M. Aguilar mula sa 49IB, 9ID, at PA na makikipagtulungan sila at magbibigay din ng mga impormasyon upang mapanagot sa batay ang mga may sala.

Magugunitang gabi ng Disyembre 22, 2014 (Lunes) nang sumalakay ang humigit-kumulang sa 30 miyembre ng pinaniniwalang mga miyembro ng CNN sa isang construction site sa naturang bayan at pinasabog ang 4 na heavy equipment gamit ang electric improvised explosive devices (IEDs).

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.