BISHOP GILBERT GARCERA AT MGA DELEGADO NG DIOCESE OF DAET, HANDA SA PAGBISITA NI POPE FRANCIS SA BANSA!

BISHOP GILBERT GARCERA AT MGA DELEGADO NG DIOCESE OF DAET, HANDA SA PAGBISITA NI POPE FRANCIS SA BANSA!

Daet, Camarines Norte (Enero 15, 2015) – Nakahanda nang salubungin ni Daet Bishop Gilbert Garcera, isa sa napiling 12 Church VIPs na magsisilbi ring kinatawan ng mga kaparian sa Camarines Norte at mga Diocese sa Buong Bicol Region sa pagbaba ni Pope Francis mula sa Villamor Airbase bandang 5:45 PM ngayong hapon.

Nabatid na Alas-9 kaninang umaga ng magtungo na rin papuntang Maynila ang nasa mahigit-kumulang sa 100 mga delegado mula sa Diocese of Daet, bukod pa diyan ang 60 kabataan at limang miyembro ng indigenous people na nakatakdang dumalo sa “Meeting with the Families” na isasagawa sa Mall of Asia Arena, Pasay City bandang 5:30 ng hapon sa ikalawang araw ng pagbisita ng Santo Papa.

Dadalo naman si Bishop Garcera kasama ang iba pang mga pari at madre sa isasagawang misa ni Pope Francis sa Manila Cathedral – Basilica of the Immaculate Concepcion sa Intramuros, Manila.

Narito ang listahan ng mga VIP Church Priests na sasalubong kay Pope Francis:

1. His Eminence Orlando B. Cardinal Quevedo, O.M.I., Archbishop of Cotabato

2. His Excellency Most Rev. Antonio J. Ledesma S.J., Archbishop of Cagayan de Oro

3. His Excellency Most Rev. Romulo G. Valles, Archbishop of Davao

4. His Excellency Most Rev. Sofronio A. Bancud, S.S.S, Bishop of Cabanatuan

5. His Excellency Most Rev. Rodolfo F. Beltran, Bishop of San Fernando De La Union

6. His Excellency Most Rev. Jose A. Cabantan, Bishop of Malaybalay

7. His Excellency Most Rev. Bernardino C. Cortez, Prelate of Infanta

8. His Excellency Most Rev. Gilbert A. Garcera, Bishop of Daet

9. His Excellency Most Rev. Angelito R. Lampon, O.M., Vicar Apostolic of Jolo

10. His Excellency Most Rev Emilio Z. Marquez, Bishop of Lucena

11. His Excellency Most Rev. Jesse E. Mercado

12. Rev. Fr. Marvin S. Mejia, Secretary General of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines

Samantala, ilang mga CamNorteño na rin ang nagtungo sa Maynila upang masaksihan ang pambihirang pagkakataon na pagbisita ni Pope Francis at makakuha rin ng mga larawan ng magsisilbing ala-ala ng kanilang mga karanasan na makita ang kasalukuyang namumuno sa Simbahang Katoliko.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *