INVESTMENT PROMOTION OFFICE SA LGU DAET, PORMAL NANG BINUKSAN NGAYONG ARAW; DARIUS MIRASOL, ITINALAGANG TAGAPAMUNO!

INVESTMENT PROMOTION OFFICE SA LGU DAET, PORMAL NANG BINUKSAN NGAYONG ARAW; DARIUS MIRASOL, ITINALAGANG TAGAPAMUNO!

608
608-1
608-2

Daet, Camarines Norte (Enero, 5, 2015) – Pormal nang binuksan sa Pamahalaang Lokal ng Daet ang Municipal Investment Promotion Office o “Daet Go Negosyo Center” ngayong umaga, January 5, 2015.

Itinalaga ni Mayor Tito Sarion bilang tagapamuno dito si Darius E. Mirasol na magsisilbing Municipal Investment Promotion Officer ng Daet.

Ang pag tatayo ng naturang tanggapan ay susog sa RA 10644 o Go Negosyo Act na isinulong ni Senador Bam Aquino na tutugon sa pagpapalakas ng Micro-Small-Medium Enterprises sa mga munisipalidad sa bansa.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Darius Mirasol, isa anya sa kanyang mga magiging trabaho ay mas makapaghikayat pa ng mga mamumuhunan sa bayan ng Daet at magabayan ang mga mga maliliit na mamumuhunan para mapalakas ang kanilang mga negosyo at magabayan din na kung papano maka avail sa mga financing agencies bilang dagdag puhunan ng mga ito.

6081
608-6

Hindi na rin naman bago kay Mirasol ang ganitong trabaho dahilan sa halos katulad din ito ng kanyang ginagawa sa kanyang dating trabaho sa Department of Trade and Industry.

Ngayong hapon naman ay nakatakda namang magpatawag ng pulong si Mayor Tito Sarion sa mga stakeholders katulad ng mula sa Bankers, Fil-Chinese Chamber of Ccommerce, iba’t ibang grupo ng mga maliliit na negosyante at ilan pang personaheng maaaring makatulong o makikinabang sa programang ito.

Ang pagnenegosyo ang isa sa mga pangunahing prayoridad ni Mayor Tito Sarion na sa kanyang paniniwala ay mas gaganda ang kabuhayan ng isang pamilya at malaking tulong din ito para sa dagdag na trabaho sa ating mga mamamayan.

Jeffrey Alava De Leon

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.