Daet, Camarines Norte (Enero 08, 2015) – Magiging isang makasaysayan at makulay na selebrasyon kaakibat ang mas pinalawig na oportunidad sa maunlad na kabuhayan.
Ito ang buod ng tema ng pamahalaang lokal ng Daet sa paglulunsad nito ng “Gayon Daet, Gayon Bicol 2015”, na isinagawa kahapon sa Daet Heritage Center, alinsunod sa nakagawiang pagtatalaga ni Daet Mayor Tito Sarion ng tema bilang giya sa pagtutuunang pansin na programa at proyekto ng kanyang administrasyon sa pagsisimula ng panibagong taon.
“Tayo (Daet) ang host ng Festival of Festivals sa Bikol ngayong taon — kasabay ito sa gagawing Pinyasan celebration sa Hunyo”, paliwanag ni Mayor Sarion.
Ang Festival of Festivals ay isang grand street dancing competition na lalahukan ng grupo ng mga performers mula sa iba’t ibang probinsiya at siyudad sa buong Bikol.
Idinagdag ng alkalde na hindi lamang ito ang pagtutuunan ng pansin ng pamahalaang lokal ngayong taon.
Ayun kay Sarion, patuloy na magsasagawa ang LGU Daet ng mga hakbangin upang ma-sustain at maging inclusive ang pag-asenso ng bayan ng Daet. Sa pakikipag tulungan anya ng Sangguniang Bayan at ng lahat ng stakeholders ay magiging mas madali ang implementasyon ng mga programang pangkabuhayan para sa mga mamamayan.
Ang GAYON, na kagandahan ang ibig sabihin sa lengguwaheng bikol, ay kumakatawan rin sa Greater Access on the Year of Oppurtunities and Nation Building.
Norj Abarca
More NEWS?