Daet, Camarines Norte (Enero 15, 2015) – Hindi pa ganap na nagsisimula ang Zenith Riverworks Corporation ng Desilting Operation sa Malaguit River , bayan ng Paracale, Camarines Norte.
Ito ang naging paglilinaw ni Ms. Delia P. Chiang, kinatawan ng Zenith Riverworks Corporation na may hawak ng kontrata para sa pagpapalalim ng malaguit River sa bahagi ng Brgy Calaburnay at Mangcasay sa naturang bayan.
Ipinatawag kahapon (Jan. 14, 2015) sa regular na sesyon ng SP si Chiang upang magbigay linaw sa mga ulat na nakakarating sa Sangguniang Panlalawigan na nagsisimula na ang operasyon ng naturang kumpanya na hindi man lamang napapaabisuhan ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Sinabi ni Board Member Gerry Quinonez, SP Committee Chair on Environment na alinsunod sa nilalaman ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Zenith Riverworks Corporation, magkakaroon muna dapat ng Ribbon Cutting sa pormal na pag bubukas nito upang maipaabot sa publiko ang nasabing pagawain.
Sinabi naman ni Vice Governor Jonah Pimentel na base sa nakarating na impormasyon sa kanila, nakita ng impormate na mistula na itong isang full operation kung kayat nag bunsod ito ng pagpapatawag sa Zenith.
Paliwanag ni Ms. Delia Chiang, na hindi pa sila nag ooperate at ang kanilang isinagawa dawalang linggo matapos ang MOA Signing noong unang linggo ng Nobyembre ay “Test Run” lamang ng kanilang mga Equipments.
Kinakailangan anya ito katulad ng isang ordinaryong bagong gamit na kailangang testingin bago gamitin. Sa katunayan ayun kay Chiang, sa sobrang taas ng Salinity ng moist sa nasabing ilog, kinakailangan nilang magpalit ng piyesa at ito ay kanila pang hinihintay na dumating ngayong buwan ng Enero o hanggang sa mga unang linggo ng Pebrero mula sa bansang China. Sa pag dating ng nasabing mga piyesa, tsaka pa lamang makapagsasagawa ng isang ganap na operasyon.
Sinabi pa ni Chiang na ang nakikitang pag galaw ng kanilang Barge ay bahagi pa rin ng kanilang test operation na kailangang i-maniobra sa lahat ng direksyon ang nasabing makinarya, 10 to 20 meters mula sa kinalalagyan nito. Umaabot lamang din anya ng wala pang isang oras ang test run kung kaya’t hindi ito maituturing na normal operation.
Binigyan linaw naman ni Vice Governor Jonah Pimentel sa kinatawan ng Zenith Riverworks Corporation na natural lamang sa parte nila, bilang nag sulong ng resolusyon na makipag MOA ang Pamahalaang Panlalawigan sa Zenith, na maging mabusisi dahil isa itong maselang bagay na pinasok nila.
Sa katunayan ayun kay VG Pimentel, isinulong nila ito para sa kapakanan at ikabubuti ng kalagayan ng nakasasakop na mga Brgy sa Paracale, sa harap ng ilang pag tutol mula sa ilang sector. Kung kayat, sakali anyang papalpak ang operasyon nito ay malalagay sa alanganin ang kredebilidad ng SP at ilang opisyal ng lalawigan.
Nais matiyak ng Bise Gobernador na walang magiging problema sa operasyon nito at umaasa din sa Zenith na tatalima ito sa MOA at sa lahat ng mga umiiral na batas sa lalawigan at sa mga lokal na pamahalaang nakakasakop dito, gayundin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Nais pa ni VG Pimentel na maging bukas sa kanila ang lahat ng mga impormasyon upang maging bahagi ang LGU at ang SP sa pagpapabot ng impormasyon sapubliko hinggil sa naturang proyekto.
Bukas din naman ang Zenith sa mga ipapadala ng Pamahalaang Panlalawigan para magsagawa ng continuous monitoring sa kanilang operasyon na nakasaad naman sa kanilang nilagdaang Memorandun of Agreement.
Rodel Llovit/Jeffrey De Leon
Camarines Norte News