PAGKILALA SA CAMARINES NORTE BILANG MAPAYAPANG LALAWIGAN, ISASAGAWA BUKAS!

PAGKILALA SA CAMARINES NORTE BILANG MAPAYAPANG LALAWIGAN, ISASAGAWA BUKAS!

Daet, Camarines Norte (Enero 20, 2015) – Inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang Agro Sports Center at Provincial Capitol Compound sa Bayan ng Daet dahil sa mga nakalinyang aktibidad na isasagawa sa nakatakdang pagbisita bukas ng matataas na opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Ang aktibidad na may temang “Peoples’ Convergence Towards Peace and Development” ay tatalakayin ng mga opisyal ng AFP at Pamahalaang Panlalawigan matapos kilalanin ang Camarines Norte dahil sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad sa buong probinsya. 

Dadaluhan ang naturang aktibidad ng mga pinuno ng AFP mula sa pambansa at pang-rehiyong antas, Camarines Norte Governor Edgardo A. Tallado, at Major Generel Yerson E. Depayso, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army na pipirma rin sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong maipagpatuloy at magkaroon ng iisang hangarin na magpasigla at magpaunlad sa pamumuhay ng bawat CamNorteño sa pamamagitan ng payapang komunidad. 

Ang MOU ang magsisilbing gabay sa pagkakaroon ng mahusay na pamamaraan mula sa tiyak na pagpapanatili ng kaayusan ng bawat barangay mula sa banta ng kaguluhan sa tulong na rin ng mga programang socio-economic development projects. Bibigyan-diin sa naturang okasyon ang pagsasakatuparan ng soci-economic and development projects na pangunahing isasagawa ng pamahalaan katuwang ang mga tulong at pangangalaga na magmumula naman sa militar at iba pang otoridad na nagpapatupad ng seguridad at katiwasayan sa lalawigan. 

Isa rin sa magiging highlights ng aktibidad bukas ay ang pamamahagi ng “Kabuhayan Starter Kits” ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pamilya mula sa mga lugar na dating mayroong sigalot sa pagitang ng pamahalaan at makakaliwang-grupo upang magtaguyod ng pag-unlad ng kabuhayan at pagiging produktibo. 

Isasabay na rin sa mga programa bukas ang Multi-Services Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan upang maihatid pa ang mga pangangailangang serbisyo sa mga mamamayan na magtataguyod ng din ng mabuting kalusugan at alternatibong pagkakakitaan. Inaasahang dumalo sa mga pagtitipon bukas sina AFP Chief of Staff, General Gregorio Pio Catapang, Jr, Commander ng AFP – Southern Luzon Command, Major General Ricardo Visaya, at DOLE Regional Director Nathaniel Lacambra. Bibigyan pagkilala rin bukas ang mga indibiduwal at mga organisasyon na nagbigay ng mahahalagang ambag upang makamit ang kapayapaan sa buong probinsya. 

Samantala, kaugnay pa rin sa mga kaganapan bukas, isang static display na tinatawag na “Kampo Bayanihan” ang bukas sa publiko ngayong araw sa Morga Monument. Makikita rito ang mga ginagamit ng mga sundalo sa isang military camp, gayundin ang mga kaalaman sa kanilang mga ginagawa at pakiramdam kung paano maging isang militar. Maaari ring magkaroon ng pagkakataong makapag-“selfie” ang mga pupunta kasama ang mga military equipment na naka-display.

608
608-1

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *