PROGRAMANG “MAALIWALAS NA DAET”, SINIMULAN NA!

PROGRAMANG “MAALIWALAS NA DAET”, SINIMULAN NA!

608
608-1
608-2
608-3

Daet, Camarines Norte (Enero 20, 2015) – Maluwag, hindi sagabal sa daan, at maaliwalas tignan – ganito inilarawan ng ilang mamamayan ng Daet ang kasalukuyang Felipe II at Pineapple Street matapos isagawa ang clearing operation nitong nakatalikod na Huwebes (Enero 15, 2015) sa mga naturang kalsada.

Ang pagsasagawa ng pagsasaayos palibot ng Pamilihang Bayan ng Daet ay batay na rin sa Executive Order No. 027-2014 na nagtatatag sa Task Force Maaliwalas na Daet na tumutugon sa pagsasaayos ng mga sidewalks, streets, avenues, alleys, at iba pang pagmamay-ari ng Pamahalaang Lokal ng Daet, gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa mga ambulant vendors na magtinda sa mga gilid ng daan.

Magugunitang nagsagawa ang ground breaking ang LGU – Daet para sa Market Satellite na siyang paglilipatan ng lahat ng mga ambulant vendors na nasa Felipe II at Pineapple Sts. Sa Daet Central Terminal Complex, Barangay Camambugan.

Ikinatuwa naman ng Pamahalaang Lokal ng Daet sa pamumuno ni Mayor Tito S. Sarion ang naging pagtugon ng mga ambulant vendors sa paglipat nila sa Daet Central Terminal. Nagsagawa pa anya ang mga ito ng farewell party bago ang paglipat.

Nakatakda ring isaayos ang mga nabanggit na kalsada simula sa Enero 21, 2015.

Samantala, magkahalong tuwa at gulat naman ang naramdaman ng mga mamimili at stallholders sa programang Maaliwalas na Daet at umaasang magtuloy-tuloy na upang ganap na maging maayos ang mga kalsada, partikular na sa kalinisan at daloy ng trapiko at ng pedestrian.

Eliza H. Llovit
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *