BATOBALANI NATIONAL HIGH SCHOOL, KAMPEON SA NBTC LEAGUE NG CAMNORTE!

BATOBALANI NATIONAL HIGH SCHOOL, KAMPEON SA NBTC LEAGUE NG CAMNORTE!

San Vicente, Camarines Norte (Pebrero 4, 2014) – Isang puntos na kalamangan ang naisalba ng Batobalani National High School laban sa Basud National High School matapos nitong payukuin ang huli sa iskor na 88-87, upang kunin ang kampeonato ng National Basketball Training Center (NBTC) secondary school’s league kamakalawa sa San Vicente Sports Complex, bayan ng San Vicente.

Tinanghal na most outstanding player ng nasambit na liga si Anjun Presnido mula sa nagwaging koponan.

Sa kanilang pagkapanalo ay ang Batobalani NHS ang siyang sasabak sa isasagawang regional NBTC tournament sa Pebrero 10-11 ngayon taon na gaganapin dito sa Camarines Norte.

Sa gaganaping  torneyo ay makakaharap nito ang mga koponang nag kampeon mula naman sa lalawigan ng CamSur,Albay, at Sorsogon.

Ayun sa pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) CamNorte chapter chair Allan Augusto, “ ang torneyo ay pagtutulungang maisakatuparan ng Provincial Government ng CamNorte at ng mga local government units ng bayan ng Daet, Labo, at San Vicente kasama ang ilan pang major sponsors.”

608
NBTC-3-608

Norj Abarca
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.