ISANG LALAKI, NAHULIHAN NG MGA GAMIT SA ILEGAL NA PAGMIMINA AT ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG PARACALE!

ISANG LALAKI, NAHULIHAN NG MGA GAMIT SA ILEGAL NA PAGMIMINA AT ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG PARACALE!

Paracale, Camarines Norte (Pebrero 6, 2015) – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng ilang pinaghihinalaang shabu at mga gamit sa illegal na pagmimina sa Barangay Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte nitong nakalikod na Miyerkules (Pebrero 4, 2014) bandang 10:20 ng gabi.

Ayon sa ipinalabas na ulat ni PCI Rommel B. Labarro, Acting Chief ng Police ng Paracale Municipal Police Station (MPS), isang operasyon ang kanilang isinagawa sa pamumuno ni P/Insp. Henry V. Taduran, DCOP mula sa Paracale MPS, katuwang ang Camarines Norte Police Provincial Public Safety Company (CNPPSC), Provincial Intelligence Branch (PIB), at Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) na pinangunahan ni PCI Calvin Q. Cuyag kasama ang ilang mga Barangay Officials ng Barangay Poblacion Sur sa bisa ng isang Search Warrant number D-2015-4 na ipinalabas ni Executive Judge Hon. Arniel A. Dating ng RTC Branch 41 na may petsang January 28, 2015.

Pakay ng otoridad si Noel Macaro y Herico alias “Oweng”, 40 taong gulang, may asawa, magkakabod, at residente ng Purok Ruby, Barangay Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte. Nakuha sa tahanan ng suspek ang mga sumusunod: isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride (Shabu); isang piraso ng unsealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang tira ng shabu; isang improvised totter; ilang aluminum foil; isang set ng compressor motor; sampung metrong compressor hose; dalawang pabirik; isang set ng gold table; sampung metrong lubid; isang timba; isang lampara; isang maliit na pala (shovel); at isang cellphone.

Nananatili na ngayon ang suspek sa kustodiya ng Paracale MPS habang inihahanda na ang kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 102 ng RA 7942 o “Philippine Mining Act of 1995” at Section 11 and 12 ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002“.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *