MGA PROGRAMANG PANG-KABATAAN, INILATAG NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

MGA PROGRAMANG PANG-KABATAAN, INILATAG NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

Daet, Camarines Norte (Pebrero 6, 2015) – Nagpalabas na ng mga programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ngayong taon para sa mga kabataang CamNorteño sa pamamagitan ng Provincial Youth Affairs Office (PYAO).

Una na rito ang pagpapatuloy ng Libreng Review na handog ng Pamahalaang Panlalawigan.Nakahanay dito ang Libreng Civil Service Review na may dalawang iskedyul na ang isa ay magsisimula na sa darating na Pebrero 14 hanggang buwan ng Marso. Ang ikalawang iskedyul ay sa buwang ng Agosto hanggang buwang ng Oktubre. Naging matagumpay ang programang ito na sinimulan noong nakaraang taon kung saan 130 ang dumalo at 33 sa kanila ay nakapasa sa Civil Service Exam.

Ipagpapatuloy pa rin ang Licensure Examination for Teachers’ Review o LET Review na isa ding matagumpay na programa. Noong 2014 ay 208 ang reviewees at 64 ang nakapasa nga ngayon ay mga ganap nang guro. Nakalagay rin sa Project Proposal ng PYAO ang Free Nursing Review na ilulunsa ngayong taong 2015 na isang bagong programa sa ilalim ng libreng review.

Tuloy tuloy rin ang libreng Call Center Training ngayong taong 2015 ngunit sa halip na ito ay ganapin sa Little Theater tulad noong nakaraang taon, ito ay gaganapin na sa may bahagi ng 3rd floor ng Provincial Library Building tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes. Sa mga nagsanay noong nakaraang taon, 26 na ang nakapasok sa mga call center companies at may 18 na nakatakda para sa final interview ng isang kumpanya.

Magpapatuloy pa ring ang Basic Leadership Training, Personality Development Training and Workshop Assistance sa Alternative Learning System (ALS) program at Sports Development Programs.

Ang kauna-unahang Provincial Tertiary Cheer Dance and Dance Sports Competition ay isasagawa din ngayong taon na isang bagong programa rin ng PYAO na nasa ilalim ng pamumuno ni G. Mariano “Bong” Palma, Provincial Youth Affairs Office designate at kasalukuyang Acting Provincial Tourism Operation Officer.

Ngayong darating na Abril ay nakatakda rin isagawa ang Youth Leadership Summit at ang Parada ng Kabataan upang patuloy na makatulong sa mga kabaaan at mga nagtapos na at naghahanap na ng trabaho.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *