Daet, Camarines Norte (Pebrero 17, 2015) – Mainit na sinalubong ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Daet, gayundin ng ilang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ng naturang bayan ang mga delegado mula sa Hawaii sa pamumuno ni Lt. Gov. Shan Tsutsui, kasama sina Consul General Gina Jamoralin at Filipino Chamber of Commerce in Hawaii (FCCH) President Paul Alumbuyao kaugnay ng ika-25th Trade Mission of the Philippines kung saan napiling bisitahin ng mga ito ang Daet at Labo, Camarines Norte sa buong Bicol Region.
Isang paghanga at papuri ang tinanggap ni Mayor Tito S. Sarion nitong nakaraang Trade Mission mula kay Lt. Gov. Tsutsui. “Good ideas are only made, possible by great leaders like Mayor Sarion”, pahayag ni Lt. Gov. Tsutsui sa ginanap na welcome luncheon sa Terrace Grill, dagdag pa nito na ang pagiging Most Competitive Municipality in the country ay nasa pamumuno ng isang bayan at yan ay si Mayor Sarion. Ito aniya ang naging dahilang kung bakit ang 25th Trade Mission ng Filipino Chamber of Commer in Hawaii ay sa Daet ginanap.
Ayon kay President Paul Alumbuyao ng FCCH, ang Daet aniya ay ang “next wave” bilang isang investment destination sa buong bansa. Samantala, ipinahayag naman ni Honolulu Philippines Consul General Gina Jamoralin na tubong Sorsogon na, “if all local chief executives will be like Mayor Sarion, the Philippines will be a country to reckon with”.
Ipinahayag din ni TsuTsui na ang Daet at Hawaii ay halos may pagkakahalintulad – ang Bagasbas Beach na isang magandang destinasyon sa mga surfers at kiteboarders, gayundin aniya ang Waikiki Beach ng Hawaii. Dagdag pa nito na kung may Hawaii Pineapple, meron naman aniyang Formosa Pineapple ang Daet.
Kasabay ng pagtungo ni Lt. Gov. Tsutsui ang pagtanggap din nito ng resolusyon mula sa Sangguniang Bayan bilang isang “Adopted Son of Daet”. Hindi naman nakarating sa Daet ang Kauai, Hawaii Mayor na si Bernard P. Calvalho sa kadahilanang may tinanggap itong emergency call, subalit gayunpaman ang si Tsutsui na rin ang tumanggap sa resolusyon kaugnay sa pagiging sister city/town twinning ng Kauai, Hawaii at Daet, Camarines Norte.
(photo credits: Mayor Tito Sarion’s Facebook account)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News