Daet, Camarines Norte (Marso 10, 2015) – Isinagawa na kahapon, March 9, 2015 ang screening para sa mga nominado bilang Outstanding Women of Daet. Ang nasabing award ay nagbibigay ng parangal at pagkilala na naging matagumpay sa kanyang larangan, nag sisilbing inspirasyon sa mga kapwa kababaihan at nagpapakita ng lakas kakayanan bilang isang babae.
Ang nasabing pagkilala ay bahagi ng pagdiriwang ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon na may temang “Juana, desisyon mo ay mahalaga sa kinabukasan ng bawat isa, ikaw na!”
Sa bayan ng Daet, pangungunahan ng Pamahalaang local ng Daet sa pamumuno ni Mayor Tito Sarion sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office, sa pamumuno ni Mrs. Nora Miraflores ang pagdiriwang ng naturang aktibidad, katuwang ang Sangguniang Bayan ng Daet, Committee on Women and Children na pinamumunuan ni Konsehal Rosa Mia L. King at ng Municipal Council for Women of Daet (MCWD) sa pamumuno naman ni Atty. Lourdes Cu, katuwang ang ibat ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan, gayundin ang partisipasyon ng Gays and Lesbians Community sa bayan ng Daet.
Nito pang nakatalikod na Pebrero 19 – 20, 2015 una nang naisagawa ang oryentasyon para sa mga kababaihang nagtatrabaho sa mga pang gabing entertainment establishments. Entertainment Establishment Workers (EEW). Layunin nitong maipaabot sa mga ito an gang mga programa ng pamahalaang local ng Daet hinggil sa kanilang kalusugan at edukasyon, particular ang may kaugnayan sa mga sexually transmitted diseases (STD), gayundin ang kanilang mga karapatan at kaligtasan. Ito ay may temang “BABAE: May3 K ka! Kaalaman, Kalusugan at Karapatan”.
Bilang bahagi pa rin ng naturang pagdiriwang ng Women’s Month, sa darating na biyernes, Marso 13, 2015, nakatakda naman ang Boold Letting activity na gaganapin sa lobby ng pamahalaang gusali ng Daet. Katuwang dito sina Dra. Rosemarie Pimentel, Municipal Health Officer ng Daet at ni Dr. Ronaldo Paguirigan bilang mga Blood Coordinators. Ito ay may temang “BABAE: Dugo mo, Buhay ko!” na pangungunahan naman ni SPO1 Rosalinda Tenzo bilang Cahirman ng aktibidad.
Pinaka-Highlight ng pagdiriwang ngayon buwan ang Women’s Congress na gaganapin sa Marso 24, 2015 sa Daet Heritage Center mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon. Pangungunahan ito ni Atty. Lourdes Cu na bagong talagang Chairwoman ng MCWD.
Samantala, itinakda naman sa Marso 30, 2015 ang awarding ng Most Outstanding Women 2015 sa isasagawang programa pagkatapos ng Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lokal ng Daet sa Daet municipal grounds, sa barangay Pamorangon.
Camarines Norte News