ILANG MGA KABABAIHAN SA BAYAN NG VINZONS, KINILALA BILANG OUTSTANDING WOMEN; UMAABOT SA 35 ATLETA MULA SA VINZONS PARA SA PALARONG BICOL, BINIGYAN NG PABAON NG GPTA AT LGU!

608

Vinzons, Camarines Norte (Marso 11, 2015) – Naluha at naging emosyunal ang mga kababaihan sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte matapos na tumanggap ng pagkilala mula sa pamahalaang lokal ng Vinzons bilang “Outstanding Women of Vinzons 2015” kamakalawa, Marso 7, 2015 na ginanap sa Vinzons Town Kiosk. Ito ay bahagi ng programa ni Mayor Agnes Diezmo-Ang sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso na may national theme na “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Iba, Ikaw Na!

Umabot sa humigit kumulang 65 mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ang napiling mabigyan ng naturang pagkilala. Naging batayan ng LGU Vinzons ang para sa pagpili ng Most Outstanding Women ay ang mga kababaihang nagpapakita ng galing sa kani-kanilang larangan, competitiveness sa kakayahan ng mga kalalakihan at nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa kababaihan.

Sinabi ni Mayor Agnes Diezmo-Ang, marapat lamang na mabigyan ng pagkilala ang kapwa nya babae na nagpapakita ng lakas ng kababaihan. Panahon na rin anya na mabigyan ng pagkakataon ang mga kapwa nya kababaihan na maipakita ang kanilang mga kakayanan at abilidad na kaya ring gawin ang mga gawain ng mga kalalakihan.

608-1

Ayon pa sa alkalde na isa din sa kanyang mga adbokasiya ay mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng mga kababaihan laban sa mga pang aapi at pang aabuso at mapalakas ang sektor nito.

Ilan lamang sa mga programa ni Mayor Agnes ay ang pagbibigay ng mga kabuhayan at puhunan sa mga single mother na mag isang nagtataguyod ng kanyang pamilya, at gayundin naman ang iba pang mga kababaihan sa kanilang munisipalidad.

Bago natapos ang aktibidad, binigyan ng tig iisang libong piso ni Mayor Agnes ang mga awardee bilang insentibo.

22 MANLALARO NG VINZONS PARA SA PALARONG BICOL, BINIGYAN NG PABAON NG LGU AT GPTA VINZONS

608-2

May pabaon ang pamahalaang lokal ng Vinzons, Camarines Norte na tig-iisang libong piso (P1,000) para sa 35 atleta sa Palarong Bicol 2015 na mula sa bayan ng Vinzons.

Mas minarapat ni Mayor Agnes Diezmo-Ang na makapagbigay ng nasabing pabaon sa mga kabataan bilang karagdagang pang gastos ng mga ito sa kanilang patungo sa pagdarausan ng palaro.

Ito naman ay bilang pagpapakita ng alkalde na Vinzons ng suporta at makadagdag para sa ilang mga gastusin ng kanilang mga manlalaro sa ilang araw na pananatili at pakikipaglaban sa ngalan ng Camarines Norte.

608-3

Maliban dito, nagkaloob din ng pondo ang General Parents and Teachers Association (GPTA) ng Vinzons sa pangunguna ni Vinzons First Gentleman Jay Ang bilang suporta sa mga manlalaro mula sa kanilang bayan.

Sa araw na ng Biyernes, Marso 13, 2015 alas 8 ng umaga, tutulak ang delegasyon ng Camarines Norte patungo sa kanilang billeting center sa Milaor Elementary School habang ang palaro ay gaganapin naman sa Pili, Camarines Sur.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *