INIREREKLAMONG ILLEGAL NA QUARRY SA BRGY. BIBIRAO SA BAYAN NG DAET, INAKSYUNAN NA NG NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION; MGA NAGMIMINA, PINATIGIL NA!

Quarry-4

Daet, Camarines Norte (Marso 13, 2105) – Tuluyan nang pinatigil ang mga illegal na nag sasagawa ng illegal na Quarrying sa Brgy. Bibirao. Ito ang nabatid kay National Irrigation Administration (NIA) Head Engr. Rogelio King na kinumpirma din naman ni Punong Barangay Ronaldo Freyra ng naturang Barangay.

Nakarating sa Camarines Norte News ang reklamo ng isa sa nag mamay-ari ng pribadong lupa sa nasasakupan ng Barangay Bibirao, malapit lamang sa DAM na nag dudugtong sa pagitan ng Brgy Alawihao at Bibirao.

Nangangamba ang may ari ng lupa na baka mag dulot ito ng matinding sakuna sakaling bumulwak ang tubig mula sa dam kung magpapatuloy ang pag huhukay ng buhangin sa kanilang lupain.

Makailang ulit na rin itong naipaabot sa barangay ang usapin subalit hindi ito agad na natugunan ng pamunuan ng barangay dahilan na rin sa ilang mga kadahilanan.

Quarry-3
Quarry-5
Quarry-2
Quarry-6
Quarry-7
Quarry-8

Kamakailan, mismong ang NIA na ang nagpatigil ng nasabing operasyon sa mga ipinag babawal na lugar. Nakasaaad sa batas, isang kilometro mula sa mga straktura katuladlad ng tulay, irigasyon at Dam.

Bagamat may mga quarry permit naman umano ang umaabot limang mga negosyante na nagooperate sa Brgy Bibirao, hindi naman ito pinayagan ni Engr. King dahilan sa malapit ito sa pasilidad ng NIA, bukod pa sa nakakapasok na rin ito sa mga pribadong lugar na pag aari ng ilang pribadong indibidwal.

Labis naman ang pasasalamat ng nag mamay-ari ng pribadong lupa sa naging aksyon ng NIA at maging ng pamunuan ng barangay. Simula anya ng mapatigil ang nasabing mga nag ku-quarry sa kanilang pribadong lupa, ay hindi na rin na ito muling bumalik pa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.