POTABLE WATER SYSTEM PARA SA MGA KABIHUG NG BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, IGINAWAD NG PHILHEALTH-CAMARINES NORTE!

608

Jose Panganiban, Camarines Norte (Marso 20, 2015) – Iginawad ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang Potable Water System para sa mga “Indigenous People” ng Sitio Calibigaho ng barangay Osmeña sa bayan ng Jose Panganiban kaugnay sa isinagawang Turn-over of Water Facility and Outreach Program kamakailan . 

Ito ay iginawad sa pamamagitan ng katibayan bilang pagmamay-ari ng naturang patubig na tinanggap ni Winnie Andaya na siyang pinuno ng tribu at mamumuno sa pangangalaga at kalinisan nito. Ang potable water system ay ipinagawa ng Philhealth para sa tribu ng kabihug bilang pagtugon sa responsibilidad sa lipunan at makabuluhang pagsasakatuparan ng isang layunin na itaguyod ang kalusugan ng bawat Pilipino sa diwa ng Bayanihan. 

Ito ay mula sa pondo ng isinagawang fun run ng PhilHealth sa lungsod ng Legazpi noong taong 2013 sa ilalim ng Corporate Social Responsibility Program na bahagi ng Outreach Program ng naturang tanggapan. Sa bahagi pa rin ng programa ng naturang aktibidad ay isinagawa ang kalusugang medikal, pagtatanim ng mga puno at pamamahagi ng ilang pangunahing pangangailangan sa bawat pamilya ng mga kabihug. Kabilang na dito ang pamimigay ng mga damit na nalikom ng Local Health Insurance Office ng Camarines Norte mula sa mga miyembro ng Philhealth, Department of Education (DepEd), ilang hospital sa lalawigan, Camarines Norte State College (CNSC), Our Lady of Peñafrancia Parish Association sa pamumuno ni Mr. Raul Cama at mula rin sa ilang Philhealth Local Offices sa buong rehiyon.

608-1
608-2
608-3
608-4

 
 

Ipinamahagi rin ang libreng gamot na kaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at DOH ganundin ang humigit kumulang sa sampung sako ng bigas, ilang kahon ng sardinas at noodles. Isinagawa naman ang Information Education Campaign ng Department of Health (DOH) tungkol sa Malaria Smearing at namahagi ng hygene kits sa lahat ng pamilya na nasa tribu. Namahagi naman ng mga bagong tsinelas para sa mga kabataang bihug ang JCI Legazpi Dawani ganundin ang mga palaro sa pangunguna ng Jollibee na tumanggap naman ng gantimpala ang mga lumahok dito. 

Kabilang sa nagsagawa ng gawaing medikal ay ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Antonio Fulong at ilang pribadong doktor kasama si Dra. Ruth F. Herrera na dating bokal ng lalawigan at kasalukuyang pangulo ng Philippine Medical Association. Samantala, sa mahalagang mensahe naman sa aktibidad ni Regional Vice President Orlando D. Inigo Jr. ng PhilHealth sa rehiyong bikol na ang kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng bawat nakatira sa tribu ay hindi mapapalitan ng anumang halaga. Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng PhilHealth Camarines Norte at ng National Commission for Indigenous People (NCIP)

Reyjun Villamonte
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *