MAHIGIT 300 CNPGCEAP SCHOLARS, MAGTATAPOS NGAYONG TAON; 5 MAG-AARAL NA SCHOLARS MULA MABINI COLLEGES AT CAMARINES NORTE STATE COLLEGE NAGKAMIT NG MGA PARANGAL NA CUM LAUDE AT MAGNA CUM LAUDE!

MAHIGIT 300 CNPGCEAP SCHOLARS, MAGTATAPOS NGAYONG TAON; 5 MAG-AARAL NA SCHOLARS MULA MABINI COLLEGES AT CAMARINES NORTE STATE COLLEGE NAGKAMIT NG MGA PARANGAL NA CUM LAUDE AT MAGNA CUM LAUDE!

Daet, Camarines Norte (Marso 27, 2015) – Umaabot sa 319 na mag-aaral na bahagi ng Camarines Norte Provincial Government College Educational Assistance Program (CN-PGCEAP) ang magsisipagtapos ngayong taon matapos ang ilang taong pag-aaral sa kolehiyo.

Sa isinagawang 2nd CN-PGECEAP Recoginition and Awarding Rites for Graduating Grantees nitong nakaraang Miyerkules (Marso 25, 2015) sa Little Theater sa Agro-Sports Center, dumalo ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte tulad ng Capalonga College (CC), Camarines Norte College (CNC), Camarines Norte State College (CNSC) – Abaño Campus), CNSC-Main Campus, CNSC-Entienza Campus, CNSC-Jose Panganiban Campus, CNSC-Labo Campus, CNSC-Mercedes Campus, La Consolacion College – Daet (LCC-D), Mabini Colleges (MC), Our Lady of Lourdes College Foundation (OLLCF), at Sta. Elena College (SEC).

608-1

Tumanggap ang lahat ng mag-aaral ng mga certificates at medalya bilang parangal sa kanilang pagtatapos sa pangunguna ni Gov. Edgardo Tallado, CNPGCEAP Committee Chairman at Ms. Jing A. Calimlim, Acting Public Information Office (PIO).

Kabilang sa 319 na mga scholars ng Pamahalaang Panlalawigan ang 5 mag-aaral na nagkamit ng parangal na Magna Cum Laude at Cum Laude. Ito ay sina Ma. Angelica M. Ella – BS Biology (CNSC – Main Campus/Magna Cum Laude), Xerez A. Singson – BS Accountancy (MC/Magna Cum Laude), Charlene B. Rosello – BSEd (MC/Cum Laude), James Carl T. Olino – BA Communication (MC/Cum Laude), at Joey M. Portugal – BEEd (CNSC-Abaño Campus/Cum Laude).

608-12
608-2
608-3
608-4
608-5
608-6

Lubos naman ang pasasalamat ng mga panibagong scholars na nakapagtapos ng pag-aaral dahil na rin sa naging malaking tulong ng scholarship ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang pag-aaral.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *