Daet, Camarines Norte (Marso 31, 2015) – Itinanghal na kampeon ang mga kalahok mula sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na kinabibilangan ng mga policewomen and non-uniformed personnel sa Hawaiian Dance Competition na bahagi ng culminating activity ng Police Regional Office 5 (PRO5), Legazpi City sa pakikiisa sa month-long celebration ng National Women’s Month ngayong taon.
Isinagawa ang naturang kumpetisyon nitong nakaraang Biyernes ng gabi (Marso 27, 2015) sa parade ground ng PRO5 in Legazpi City kung saan sinalihan ito ng 11 grupo mula sa PRO5, Regional Special Training Unit 5 (RSTU5), Regional Training Center 5 (RTC5), Non-Uniformed Personnel (NUP) ng PRO5, Naga City Police Office, at Police Provincial Offices from Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon.
Ang mga tumayong board of judges ay sina Mrs. Marliza Clidoro Deona, may-bahay ng Regional Director, PRO5; Mrs. Aida Alcazar Naz, Officer-in-Charge ng Philippine Information Agency (PIA), Legazpi City; Dr. Ma. Gianeli Q. Besaña, Administrative Officer, NAPOLCOM Provincial Office, Albay; at Ms. Jane Nuyda, owner of Teatro de Artes.
Ang mga naging pamantayan ng mga hurado sa patimpalak ay nakabatay sa synchronization, creativity, choreography and formation, overall performance, costume and presentation. Nakuha naman ng Albay PPO ang first runner-up habang ang second runner-up ay naiuwi ng Camarines Sur PPO.
PO1 Crean Abordo of Camarines Norte Provincial Public Safety Company
Kinilala rin bilang isa sa mga “Faces of the Night” ng aktibidad si PO1 Crean Abordo ng Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CN-PPSC)
Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon ay, “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!” na nagbibigay-pugay sa lahat ng mga ginagampanang tungkulin ng kababaihan sa pamayanan at kanilang mahahalagang ambag sa lipunan.
(photo credits: Camnorte Ppo Facebook)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News