PAGLALAGAY NG AIRSTRIP SA CALAGUAS ISLAND PARA SA BIYAHE NG EROPLANO, ISINUSULONG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

608

Daet, Camarines Norte (Abril 15, 2015) – Pinag aaralan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang pagkakaroon ng biyahe ng eroplano sa Calaguas Island sa bayan ng Vinzons.

Sa panayam ng Cool Radio News kay Vice Governor Jonah Pimentel, sinabi nito na naimbitahan na nya ang kanyang mga kaibigang may kaugnayan sa aeronautical service, partikular ang ilang mga kaibigang piloto at nakapagsagawa na rin ng survey sa isla ng Calaguas.

Ayon kay Vice Gov. Pimentel, may nakita silang potential na lugar upang pagtayuan maliit na airport, o airstrip para maging landing port ng mallit lamang na eroplanong maaaring maghatid ng mga turista mula Manila patungo direkta sa Calaguas o kaya naman ay mula dito sa Daet patungo ng nasabing isla.

Dagdag pa nito na binabalak ni Governor Edgardo Tallado na bilhin na lamang ng pamahalaang panlalawigan ang ilang bahagi ng pribadong lupa na masasakop ng gagawing airstrip. Ito anya ay sa pamamagitan ng expropriation na pinapahintulutan ng batas.

Anya, aabutin lamang ng 500 metro ang kinakailangan para sa isang airstrip. Dito, maaaring mag landing ang mga maliliit lamang na mga eroplano.

Naniniwala sina Gov. Tallado at Vice Gov. Pimentel na sakaling maisakatuparan ang nasabing plano, malaking tulong ito para mas lalong lumakas ang turismo hindi lamang sa bayan ng Vinzons kundi maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Nitong nakatalikod na holy week o pagsisimula ng Summer Vacation at nito lamang mga nakatalikod na linggo, pangalawa sa buong Calaguas Island sa buong Pilipinas bilang Top Trending Topic sa Internet sa larangan ng turismo. Pumangalawa ang Calaguas Island sa Sagada, sa lalawigan ng Benguet kung saan naging tanyag din dahilan sa Teleseryeng Forevermore ng ABS-CBN Channel 2.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *