BANTAYOG STREETDANCING COMPETITION, ISINAGAWA SA MGA PANGUNAHING KALSADA SA BAYAN NG DAET; PALAYOG FESTIVAL NG BAYAN NG STA. ELENA, KAMPEYON NGAYONG TAON!

608

Daet, Camarines Norte (Abril 16, 2015) – Muling nagtagisan sa ika-labing-isang pagkakataon ang mga kalahok sa Streetdancing Competition na pinangasiwaan ng Provincial Tourism Office (PTO) na isinagawa kahapon (Abril 15) sa CN-Agro Sports Center.

Napuno ng mga manonood ang daan na naging dahilan upang halos magkabuhol-buhol ang trapik, subalit naging maagap naman ang kapulisan sapagkat maayos nila itong pinamahalaan bago pa man magsimula ang naturang kompetisyon. Kabilang sa mga sumuporta ang iba’t ibang radio civic groups, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Philippine Red Cross – Camarines Norte (PRC), at mga ambulansya ng ilang mga munisipalidad. 

Kanya-kanyang pasikat ng pagsasayaw na kinatampukan ng magagara at makukulay na kasuotan na nagpatingkad sa kanilang pagtatangal. Mga live instruments ang gamit ng ilan at ang iba ay may dalang sariling back-up music. Todo-bigay ang mga mananayaw na bata at matanda, babae man o lalaki na ang layon ay ihayag sa publiko ang pakikiisa ng kanilang munisipalidad sa ika-11 Bantayog Festival at alay na rin sa mga lokal na bayani ng lalawigan kasabay ng ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Camarines Norte.

Isa rin ang aktibidad na ito na itanyag ang turismo at pangunahing kabuhayan sa kanilang mga lugar na tunay na ipinagmamalaki ng bawat bayan.

608

Kabilang sa mga lumahok ay ang Mambulawan Festival (Jose Panganiban), Mananap Festival (San Vicente), Pinyasan Festival (Daet), Busig-On Festival (Labo), Pabirik Festival (Paracale), at Palayog Festival (Sta. Elena).

Itinanghal naman na kampeyon ang Palayog Festival kung saan tumanggap ang mga kalahok ng award at cash prize na nagkakahala ng P120,000; pumangalawa naman ang Pinayasan Festival na nag-uwi ng award at cash prize na nagkakahalagang P75,000; at pumangatlo ang Pabirik Festival na ginawaran ng award, cash prize na P50,000, at Best in Costume.

Ipinangako naman ni Gobernador Edgardo Tallado na sa susunod na taon ay dadagdagan ang mga cash prizes upang mas marami pang lumahok na mga bayan.

Ang Palayong Festival ng Bayan ng Sta. Elena ang siyang kakatawan sa Lalawigan ng Camarines Norte sa gaganapin na Gayon Bicol 2015 na dadaluhan ng iba’t ibang delegado mula sa Rehiyong Bikol at kung saan ang host ngayong taon ay ang bayan ng Daet sa darating na Hunyo.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Bawat CamNorteño: Katuwang at Kapanalig sa Kaunlaran”.

CONTINGENT # 1: MAMBULAWAN FESTIVAL (Municipality of Jose Panganiban)

608-1
608
608-1
608-2
608-3
608-4
608-6
608-7
608-8
608-9
608-10


 
 
 
 
 

CONTINGENT # 2: MANANAP FESTIVAL (Municipality of San Vicente)

608
608
608-1
608-2
608-3
608
608-1
608-2
608-3
608-4
608-5


 

 
 
 

CONTINGENT # 3: PINYASAN FESTIVAL (Municipality of Daet) – 2nd Place

608-3
608
608-1
608-2
608
608
608-1
608-2
608-3
608-4
608-5


 
 
 
 
 

CONTINGENT # 4: BUSIG-ON FESTIVAL (Municipality of Labo)

608
608
608-1
608-2
608-3
608
608-1
608-2
608-3
608-4
60801




 
 
 

CONTINGENT # 5: PABIRIK FESTIVAL (Municipality of Paracale) – 3rd Place & Best in Costume

608-1
608608-2
608-3
CONTINGENT # 6: PALAYOG FESTIVAL (Municipality of Sta. Elena) – Champion

608
608-1
608-2
608-3
608-4
608
608-1
608-2
608-3
608-4
608-5


 
 
 
 
 

(photo credits: JP De Leon, Ryan Ibita, Pete Gomez, Romil Del Moro, Rey Jun Villamonte, Yoyoy Malubay Pandi) 

Edwin Datan, Jr./Orlando Encinares/Jeffrey De Leon
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.