EMERGENCY RESCUE CENTER AND INFORMATION HUB, ITATAYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA BAHAGI NG BITUKANG MANOK SA TUACA, BASUD!

608

Basud, Camarines Norte (Abril 17, 2015) – Matagumpay na naisagawa kahapon ng umaga ang Groundbreaking Ceremony at ang pag-lagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa itatayong Provincial Emergency & Rescue Center cum Tourism Information Hub sa Bitukang Manok sa Brgy. Tuaca sa Bayan ng Basud.

Pinangunahan ang nasabing programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan nila Vice Gob. Jonah Pimentel at Bokal. Pol Gache, alkalde ng Bayan ng Basud na si Mayor. Dominador Davocol , at si Engr. Romy Aler ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumakatawan kay District Engineer Elmer Redrico.

Sa mensaheng ipinarating ng punong barangay ng Brgy. Tuaca na si Kapt. Danilo Barrameda, Sinabi niya na isang malaking tulong sa kanilang barangay ang pagkakaroon muli ng isang Rest Area sa lugar na iyo. Ayon din sa kanya, noong taong 1979 ay una nang naitayo ang nasabing Rest Area na nagsilbing malaking tulong sa mga motorista at mga turistang dumadaan doon ngunit dahil sa tagal ng panahon at mga malalakas na bagyong dumaan ay nasira ang dating nakatayong Rest Area doon.

Sa mensahe naman ni Mayor Davocol ay nagbigay siya ng isang malaking pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan partikular na kay Gob. Egay Tallado dahil sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto. Pinasalamatan din niya ang tanggapan ni Mr. Bong Palma ng Provincial Tourism and Operations Division at ang dating konsehal ng bayan ng Basud na si G. Gary Villaluz dahil sa kanilang panukalang proyekto.

Nakasaad sa MOA ang paglilipat ng DPWH ng karapatan, pag-aari at pananagutan sa lugar na dati nilang pinapangalagaan. Ang LGU-Basud ang siya nang magpapatakbo at magpapanatiling maayos ang nasabing lugar. Ito rin ang magbabayad sa mga nakaakibat na pasweldo ng mga bantay, bayarin sa tubig at kuryente at iba pang mga overhead expenses.

608-1
608-2

Ang pamahalaang panlalawigan naman ang magpapatayo ng gusali na nagkakahalagang P1.4 milyong piso at ito rin ang magpapakabit ng mga linya ng tubig, kuryente at telepono. Samantala ang DPWH naman ang magpapanatiling malinis sa paligid ng nasabing gusali at sila rin ang magpapaganda ng mga kalsadang papunta rito. Kung sakaling masisira ang nasabing gusali ay LGU-Basud naman ang may pananagutan rito at sila rin ang kinakailangan magpaayos ng nasabing gusali.

Nabanggit naman ni Bise Gob. Jonah Pimentel na maaaring makatulong si Bokal Pol Gache SP committee on Energy para mapalagyan ng Solar Panels ang nasabing lugar na wala pang kuryente dahil sa medyo may kalayuan ito sa Main Line ng kuryente.

Dumalo rin sa programa ang ilang mga kawani at empleyado ng pamahalaang panlalawigan, mga kapitan ng bayan ng Basud,  ilang mga volunteers ng Philippine Redcross at ang 3 mga nagwagi sa Binibining Camarines Norte 2015.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *