3rd DAET INTERNATIONAL AEROSPORTS SHOW 2015, DINAYO NG MGA LOCAL AT FOREIGN TOURISTS! !

2

Daet, Camarines Norte (April 28, 2015) – A very unique place sa Pilipinas”, ito ang naging pahayag ni Buco Randell Raymundo, professional skydiver at event coordinator sa closing program na ginanap kamakalawa (Abril 26) sa Bagasbas Beach, Daet. Katuwang si Raymundo ng pamahalaang lokal ng bayan ng Daet kasama ang Department of Tourism sa isinagawang 3rd Daet International Aerosports Show.

Ang 3rd Daet International Aerosports Show ay kinapalooban ng paramotoring, paragliding at sa unang pagkakataon ay isinama rito ang skydiving na naging highlight ng tatlong araw na gawain na nagsimula noong Abril 24.  Ito ay taunang dinadayo ng mga foreign at local aerosport aficionados.

.
3
4
5
6
7
10
8
12

 
 
 
 

Sinabi ni Raymundo na dahil dito ay nagiging sentro na ang Daet ng aerosports events.

“Daet is a very unique place sa Pilipinas — kasi dito lang nagagawa ang mga laro (aerosports). Marami ring feedback from the international scene by means of social media.”

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Marc Logan  ng ABS-CBN upang masaksihan ang aerosports show exhibition.

_DSC0581

Hindi naman pinalampas ni Mayor Tito Sarion ang pagkakataon na muling maExperience ang paramotoring.

_DSC0586

Si Daet Mayor Tito Sarion, na siyang naging instrumento sa pagdala ng nasabing gawain dito sa Camarines Norte ay nagpahayag na ipagpapatuloy nila ang Daet International Aerosports Show kahit dumating umano ang panahon na hindi na siya ang alkalde ng bayan.

Untitled-1

(Photo Credits to JP De Leon)

Norj Abarca / Eliza Llovit
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *