CAMARINES NORTE PROJECT MONITORING COMMITTEE, PAPARANGALAN BILANG MOST OUTSTANDING PROVINCIAL PMC!

608

Daet, Camarines Norte (Mayo 28, 2015) – Pinarangalan bilang Most Outstanding Provincial PMC para sa Calendar Year (CY) – 2014 ng Regional Project Monitoring Committee (RPMC) ang Camarines Norte Project Monitoring Committee (CN-PMC) dahil sa maayos at magandang pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa mga pagawaing bayan nito.

Ang RPMC ay sangay ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nabuo sa pamamagitan ng Executive Order 93 amending EO 376 of 1989 na nagtatag ng Regional Project Monitoring System kung saan nakasaad rito na kailangang maitatag ang RPMC sa ilalim ng Regional Development Authority (RDA) na siyang aalalay sa mga Project Monitoring Committee (PMC) na itinatag din alinsunod sa E.O. 93.

Dahil sa nasabing parangal ay inaanyayahan ng RPMC ang lahat ng miyembro ng CN-PMC sa gagawing Regional Development Council Meeting sa darating na Hunyo 5, 2015 ganap na ika-9 ng umaga sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa kapitolyo ng lalawigan ng Catanduanes upang tanggapin ang plake ng pagkilala at ang P20,000.00 cash prize.

Kabilang sa mga inaanyahahan na tumanggap ng parangal ay si Gob. Egay Tallado, Bokal. Romeo Marmol na Chairman ng PMC, Gng. Elena Austria ng Provincial Planning and Development Office na siyang sekretarya ng PMC at iba pang mga miyembro nito. Ang RPMC – Bicol naman ay pinamumunuan ni Dir. Agnes M. Espinas.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *