200 PUNONGKAHOY, ITINANIM SA GILID NG BUSIG-ON RIVER SA BAYAN NG LABO!

608

Labo, Camarines Norte (Mayo 25, 2015) – Umaabot sa 200 seedlings ng mga punongkahoy  na kinabibilangan ng 100 pirasong Banokbok, 50 pirasong Lisak, at 50 pirasong Dalipapak ang itinanim sa gilid ng Busig-On River sa bahagi ng Brgy. San Francisco at Camarines Norte College sa bayan ng Labo, Camarines Norte nitong nakatalikod na Mayo 23, 2015 (Sabado).

Ang naturang tree-planting activity ay pinangunahan ni Ramon Leandro “Andoy” Enriquez Pardo katuwang ang barangay council ng San Francisco, Labo at ilang pang mga personalidad katuwang din ang D’ Leandro’s  Place River Resort na matatagpuan din sa nabanggit na bayan.

Ang aktibidad  ay bahagi ng adbokasiya ni Leandro “Andoy” Pardo na mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan sa kanilang munting kakayahan.

608-1
608-2

Naniniwala ang batang Pardo na sa pamamagitan ng ganitong mga pagkilos ay malaking tulong na ito sa paglaban sa patuloy na paglala ng Global Warming sa kasalukuyan.

Malakas pa rin ang paniniwala ni Pardo na hindi pa huli ang lahat at sa pamamagitan lamang ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng mamamayan ay maibabalik pa ang dating ganda ng kalikasan na ang makikinabang ay ang mga susunod pang henerasyon.

The continuous environmental destructions brought about by human activities pose a great threat to our society, our environment and to our economy. We must bear in mind that these are interrelated to one another. Simply knowing about this co-existence is a good start to be conscious of our actions – what are the human activities that we do which are harmful to our environment? How can we contribute in preserving the environment through our own little ways?

That being said, we came up with this idea of a tree planting project on the riverside of Labo River. This is to help in the prevention of soil erosion which is one of the prevailing environmental issues faced by the municipality of Labo. In addition to that, this tree planting project will also help in dealing with global warming.

“Take care of the Earth and she will take care of you.” – Ramon Leandro “Andoy” Enriquez Pardo

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *