1ST ORGANIC AGRICULTURE FORUM AND FASCINATION OF PLANTS DAY, IDINAOS, FOAPCN, PINANUMPA NI GOB. TALLADO SA TUNGKULIN!

608

Daet, Camarines Norte (Hunyo 11, 2015) – Nanumpa ang mga opisyal ng Federation of Organic Agriculture Practitioners of Camarines Norte (FOAPCN) kay Gob. Edgardo A. Tallado sa kanilang tungkulin sa loob ng 1st Organic Agriculture Forum and Fascination of Plants na ginanap noong Hunyo 2-3 sa Little theater ng Kapitolyo Probinsyal na may temang, “Promoting the Well-Being of Every Family Through Organic Agriculture”.

Ang 2 araw na gawain ay inisyatibo ng FOAPCN para makatulong sa implementasyon ng R.A 10068 Organic Agriculture Act of 2010 partikular na sa nationwide educational and promotional campaign para sa pagpalaganap at pagpatatag ng community-based organic agriculture systems.

Idinaos sa harapan ng Agro-Sports Center ang eksibit ng mga organic agriculture products gaya ng: organic rice, fruits and vegetables, herbs and spices, organic fertilizers,pati na mga ornamental plants, organic planting materials, at iba pa.

Ang awarding of starter input towards organic zones para sa 6 na benepisyaryo ay pinamunuan naman ni Dr. Efren C. Sabularse, Center Director ng Agriculture Training Institute (ATI) Region V at ni Ailyn Rafer na kumatawan kay Engr. Abelardo R. Bragas,Regional Executive Director ng Department of Agriculture (DA). Ang mga starter inputs na ipinamigay ay: 1 native piglet, 5 native chicken at 10 packets of assorted vegetable seeds.

Nagpa-raffle din ng garden tools, t-shirts, lminated sacks at assorted vegetable seeds sa mga dumalong estudyante, agriculture extension workers (AEWs), organic practicioners, municipal agriculturist/municipal agricultural officers (MA/MAOs), farmer leaders at 4-H club organizations sa iba’t-ibang panig ng ating lalawigan.

Sa 2-araw na forum, ang mahahalagan apeto ng organic agriculture ay tinalakay ng mga opisyal at kinatawan mula sa Bureu of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS), Department of Science and Technology (DOST), Agriculture Training Institute (ATI), Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), Cam. Norte State College (CNSC).Itinaguyod ito ng FOAPCN sa tulong ng European Plant Science Organization (EPSO), DA, ATI, Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, CNSC, CBSUA at ilang local government units dito. Ito ay sa layuning makatulong sa promosyon ng R.A 10068 o Organic Agriculture Act of 2010 lalo na ang mahikayat ang mga magsasaka na gumamit ng purong organic fertilizers na sila mismo ang magpruprodyus sa tulong ng mga kaukulang sangay ng pamahalaan.

Ibinahagi rin ni G. Ronald C. Costales, chief executive officer (CEO) ng Costales Nature Farms ang kanilang Organic Farming Best Practices gaya ng effective microorganisms/indigenous micro-organism (EM/IMO and EMAO) preparation, urban gardening, marketing techniques at agri-tourism. Inaasahang nagsilbing-inspirasyon ito sa mga kababayan nating magsasaka para yakapin ang organic farming system na may malaking potensyal na sa hanapbuhay ay maka-kalikasan at makatao pa. 

Edwin Datan, Jr
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.