SAN VICENTE VICE MAYOR VILLAMOR, MAY BANTA SA BUHAY! GUNMAN, NAKONSENSYA UMANO, ITINURO ANG MASTERMIND!

Tony-608

Hindi ikinababahala ni San Vicente Camarines Norte Vice Mayor Tony Villamor ang banta sa kanyang buhay matapos na makatanggap ng pagbabanta mula sa mga text messages.

Sa panayam ng Cool Radio News kay Vice Mayor Villamor, isinalaysay nito ang mga pangyayari. Anya, Lunes ng umaga, July 13, 2015 nang makatanggap sya ng isang text message mula sa nagpakilalang isa sa mga kasamahan ng gunman na napag-utusan umanong papatay sa bise alkalde.

Ayun sa mensahe, nakokonsensya ang suspek kung kaya’t nais nya itong isumbong sa bise alkalde. Biniyaran umano sila ng umaabot sa dalawang daang libong piso kapalit ng pag paslang kay Villamor.

Sa una’y nagtakda ng pakikipagkita sa bise alkalde ang suspek sa mismong tanggapan nito sa pamahalaang Gusali ng San Vicente, at humingi pa ng pamasahe dahil mula pa umano ito sa bayan ng Mercedes.

Agad namang nagpadala ng pera si Villamor sa pamamagitan ng Smart Padala sa kagustuhan na malaman ang katotohanan hinggil sa banta sa kanyang buhay.

Matapos na maipadala ang pera, ay hindi na makontak ang suspek. Kinabukasan, muling nag text ang suspek at sinabing hindi sila makapunta sa munisipyo dahil nandun ang mga tauhan ni Mayor Francis Ong na kalaunan ay sinabing ito ang nag uutos sa patayin ang bise alkalde.

Dito na nagsimulang mag duda si Vice Mayor Villamor dahil wala syang nakikitang dahilan para pag tanggkaan syang ipapatay ng kanya mismong alkalde.

Ayun pa sa bise alkalde, mas malalim pa sa pagkakaibigan ang turingan nila ni Mayor Ong wala naman planong tumakbo bilang alkalde sa kanilang bayan. Hindi anya kailanman sila maghihiwalay kung kayat hindi uubra ang ganitong uri ng istilo para pag hiwalayin sila.

Matapos na mabanggit anya ng nagpapakilalang gunman ang pangalan ni Mayor Ong bilang masatermind, agad nyang tinawagan ang alkalde at ipinasa ang mga mensahe sa kanya. Nagkatawanan na lamang ang dalawa sa naturang mga mensahe.

Pulitika ang nakikitang dahilan ni Villamor kung bakit nais silang pag awayin ng kung sinuman ang nasa likod ng naturang nagpapanggap na pagbabanta.

Tiniyak pa nito na kahit kelan ay hindi sumagi sa isipan nya na kalabanin ang kaibigang alkalde at nakahanda itong mag retiro sa pulitika kung kinakailangan na.

Sa panayam naman kay Mayor Francis Ong, sinabi nito na “foul” anya ang ganitong uri ng pamumulitika. Bagamat sinabi ni Ong na sanay na sila sa mga ganitong mga pagbabanta, hindi naman katanggap tanggap ang ganitong istratehiya na pati ang kanilang mga pamilya at taga suporta ay nais paghiwalayin at pag awayin.

Dagdag pa ng alkalde na matagal na ring buo ang kanilang line up hanggang sa mga konsehal para sa 2016 elections kung kayat hindi na ito maaaring buwagin pa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *