Ang Pamahalaang Lokal ng Daet, sa pangunguna ni Mayor Tito Sarion, Sangguniang Bayan ng Daet, Committee on Social Services sa sa pangunguna ni Konsehal Rose Mia King at ang MSWDO Daet ay magkakatuwang na nagtataguyod sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagpapahalaga sa mga kababayan nating may kapansanan.
Dito hinihikayat ng pamahalaang lokal ng Daet ang lahat ng mga namumuhunang pang negosyo na bigyan ng pagkakataon ang mga may kapansanan na makapagtrabnaho sa kanilang mga establishimento.
Ilang programa din ang kanilang ipinatutupad upang matalakay ang mga hadlang at puwang sa pagitan mga PWDs at iba pang mamamayan at pamahalaan, at makapag likha ng mga pamamaraan upang masuportahan ang human rights- based initiatives para sa pang ekonomiyang pag unlad ng mga may kapansanan.
Susog ito sa Proclamation No. 361 (2000) at bahagi ng pag diriwang ng 34th National Disability Prevention and Rehabilitation Week ngayong July 17 hanggang 23, 2015 na may temang “Mainstreaming Persons with Disabilities in Economic Development”
Tandaan: “ang lahat ay pantay pantay sa mata ng diyos at ng batas maging sila man ay may kapansanan”
Ang mensaheng ito ay hatid ng Pamahalaang Lokal ng Daet, sa pangunguna ni Mayor Tito Sarion, Sangguniang Bayan ng Daet, committee on social services sa pangunguna ni Konsehal Rose Mia King at ng MSWDO Daet.
Camarines Norte News