TWO-SEATER PLANE, NAAKSIDENTE SA BAGASBAS AIRPORT!

Mapalad na nakaligtas ang dalawang pilotong sakay ng isang 2-Seater Plane na akmang mag te-take-off sa Bagasbas Airport, kahapon ng umaga. June 27, 2015.

Alas onse ng umaga kahapon, isang pribadong eroplano na RPS642 na pag aari ng isang dayuhan na si Daniel Mc Kinney, Co-Pilot kasama ang kanyang piloto na si Robert Aguilar, nang aksidenteng magkaroon ng problema ang makina nito habang tumatakbo sa runway upang mag take off patungo sana ng Angeles City Pampanga.

Bago pa man lang umangat ang eroplano, sumadsadsad na ito sa runway at mapalad na wala sa dalawang piloto ang nasaktan.

June, 25, 2015 ng dumating sa lalawigan ang eroplano upang tingnan ang Calaguas Island kung saan ito maglalagak ng puhunan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.