EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG VINZONS, PATAY SA AKSIDENTE!

Vinzons - 608

Vinzons, Camarines Norte (Hunyo 30, 2015) – Hindi na umabot sa pagamutang ang isang lalaki sa bayan ng Vinzons makaraang maaksidente ito habang sakay ng kanyang motorksiklo sa Sitio Mangcawayan, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte nitong nakatalikod na Linggo (Hunyo 28, 2015) bandang alas-10:45 ng gabi.

Batay sa inisyal na pagsisisyasat ng Vinzons Municipal Police Station (MPS), habang binabagtas ng biktimang si Vergel Villegas y Ragasa, 33 taong gulang, may asawa, job order sa LGU-Vinzons (RHU Staff), at residente ng Barangay Sto Domingo, Vinzons, Camarines Norte ang daan pauwi sa kanilang bahay ay bigla na lamang itong bumangga sa isang puno sa tabi ng daan na nagresulta sa pagtilapon nito sa gitna ng daan.

Agad naman dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) si Villegas ng mga rumespondeng pulis na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan subalit idineklara na rin itong Dead On Arrival (DOA) ng umasikasong doktor.

Samantala, pinaniniwalaan namang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang biktima ng mangyari ang naturang aksidente.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.