MUNICIPAL ORDINANCE NA NAGLALAYONG MAHIKAYAT ANG MGA MAMAYAN NA MAKIISA SA PAGPUKSA NA KRIMEN AT MGA ILIGAL NA GAWAIN, ISINUSULONG SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

608 1
Jose Panganiban, Camarines Norte (July 2, 2015) — Isinulong sa bayan ng Jose Panganiban ang Municipal Ordinance na nagbibigay halaga sa mga indibidwal na nakikipagtulungan sa mga kinauukulan upang mapuksa ang ano mang uri ng ilegal na gawain o krimen sa isang lugar.

Matatandaan na nitong nakatalikod na Biyernes (Hunyo 26, 2015) matapos ang halos isang taon na paghahanap at imbestigasyon,  bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang rank no. 1 Municipal Most Wanted sa bayan ng Jose Panganiban na si Francis Zamore y Acula na suspek sa pagpatay sa mag asawang De Vera ng Brgy. Osmeña sa bayan ng Jose Panganiban dahil sa tulong ng ilang indibidwal na nagbigay ng testimonya na sya namang nagging susi upang madakip ang mga suspek.

Ito ang itinuturing na isa sa mga naging inspirasyon upang maisulong ang inisyatibo ng pamahalaang lokal particular na sa pag aakda ng nasabing Municipal Ordinance na alinsunod naman sa Resolution No. 842-2013 na inaaprobahan ang Ordinance No. 060-2013 at isinulong ni Vice Mayor Ariel Non ng Sangguniang Bayan ng Jose Panganiban.

Nakapaloob sa Ordinansang ito ang pagbibigay halaga sa partisipasyon ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagkaloob ng gantimpala o iba pang insentibo sa mga sibilyan na nagbigay ng impormasyon na may kinalaman sa isang partikular na krimen upang mahuli ang mga indibidwal na nagkasala sa batas.

Ang ordinansang ito ay pinahihintulututan si Municipal Mayor Hon. Ricarte R. Padilla ng nasabing bayan upang magkaloob ng insentibo sa mga indibidwal na may halagang hindi bababa sa 10,000 hanggang 30,000.

Ang batas na ito ay naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan at matiyak na ang bawat karapatan ng mga indibidwal ay napangangalagaan. Ito ay paraan din upang mahikayat ang aktibong partisipasyon ng mamamayan na ipagbigay alam ang mga iligal na mga gawain sa kani-kanilang komunidad.

Princess Teaño
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *