LIGA PRESIDENT BENITO OCHOA, NAGDEKLARA NA BILANG TATAKBONG ALKALDE NG DAET!


Daet, Camarines Norte (Hulyo 3, 2015) – Pormal ng idineklara ni Punong Brgy at Liga ng mga Brgy President, Benito “B2K” Ochoa na siya’y kakandidato bilang alkalde sa bayan ng Daet ngayong 2016 elections.

Kasabay ng kanyang kaarawan kahapon (Hulyo 2, 2015) ang kanyang pag deklara at pagpapakilala sa kanyang mga kasamahan sa partido. Kasama dito sina incumbent Councilor Joan Christine Tabernilla de Luna bilang kanyang bise-alkalde, incumbent Councilors Rosa Mia King, Sherwin Asis, Atoy Moreno, at Boy Bacuño. Kasama din ni Ochoa si former Councilor Cora Yuzon Bacerdo at Punong Brgy Nelson Zabala ng Brgy Alawihao, Punong Brgy Ronaldo Freyra ng Bibirao at si Pia Pardo, ang nakababatang kapatid ni Board Member Pamela Pardo.

Nagbigay ng kani-kanilang statement of support ang nasabing mga kasamahan ni B2K bilang pagbibigay ng suporta at paniniwala kay Ochoa, na ito’y magiging magaling na pinuno ng bayan.

Nagbigay din ng kanilang mga pahayag ang mga incumbent councilors ng Daet na mga kasamahan din ni Ochoa sa Sangguniang Bayan at sinabing nakikita nila kay Ochoa ang personalidad ng isang magaling na Chief Executive. Samantala, bagamat aminado si punong barangay Ochoa na hindi ito bihasa sa pagsasalita sa harapan ng publiko, tiniyak naman nito ang kanyang katapatan at buong pusong hangarin na makapaglingkod sa bayan ng Daet.

Samantala, nagbigay din naman ng pahayag si Gov Edgardo Tallado bilang pagsuporta kay Ochoa sa kandidatura nito bilang alkalde.

Binalik tanawan ni Gov Tallado ang isa sa mga dahilan kung bakit sumama ang loob sa kanya ni Mayor Tito Sarion, ito ay ang hindi pagtanggap ng gobernador sa pakiusap ni Sarion na ang may bahay nito na si Connie Sarion ang kuning standard bearer ng Liberal Party sa bayan ng Daet. Sinabi ng gobernador na dahil sa mga ipinakitang hindi pagiging tapat ni Sarion sa partido sa mga nakatalikod na eleksyon ay minarapat nyang wag ng tanggapin ang may bahay nito.

Maliban dito, nakita din ng gobernador na mas malaki ang kapasidad o kakayahan ni Ochoa na pamunuan ang Daet bilang alkalde. Nakikita din umano ng gobernador kay Ochoa na ito ay magiging matapat na leader ng Daet at inaasahan ang mas mabilis na pag-unlad ng daet sa ilalim ng pamumuno nito sakaling magtagumpay ito bilang alkalde ng bayan ng Daet.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *