TATLONG HIMPILAN NG PULISYA SA BAYAN NG CAMARINES NORTE, PASOK SA TOP 10 BEST PERFORMING POLICE STATION SA BUONG BICOL REGION!

Camarines Norte (Hulyo 3, 2015) – Nakabilang sa Top 10 Best Performing Police Station sa buong Bicol Region ang tatlong himpilan ng pulisya sa bayan ng Camarines Norte.

Ayon kay PSupt. Harris Fama,  officer in charge ng Camarines Norte Provincial Police Office (CNPPO) kabilang dito ang Paracale Municipal Police Station (MPS), San Lorenzo Ruiz MPS at Mercedes MPS.

Sinabi ni Fama na ang nabanggit na tatlong himpilan ay nakakuha ng Target Output Policy mula Pebrero hanggang Abril 2015. Halos 60-70 umano ang mga police stations sa buong rehiyon ng Bicol ang nag laban laban upang makasungkit ng pwesto sa naturang titulo.

Ito ay labis na ikinatuwa ni Fama, ngunit kasabay din nito ang kanyang pagkalungkot dahil sa nauna umanong ibalita bilang top performing police station ang tungkol sa tatlong himpilan gayong nanguna din sa buong rehiyon ng Bicol ang CNPPO.

Samantala, ang mga nasabing accomplishments ng ating kapulisan dito sa lalawigan ng Camarines Norte ay resulta umano ng magandang koordinasyon, pagtutulungan ng bawat kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa Camarines Norte at higit sa lahat ang laging pagsasaisip ng kanilang motto: Unity, Solidarity and Teamwork.

Princess Teaño

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.