IBA’T IBANG PROGRAMANG SERBISYO PUBLIKO, ISASAGAWA BILANG PASASALAMAT SA KAARAWAN NI GOV. TALLADO!

Bday-608

Pasasalamat sa Kaarawan, Paghahandog sa Bayan sa ika-52 kaarawan ni Gob. Egay
Ang selebrasyon ng kaarawan ni Gob. Edgardo A. Tallado sa Hulyo 9 ay nakasentro sa temang, “Pasasalamat sa Kaarawan, Paghahandog sa Bayan” na kinapapalooban ng ibat-ibang mga serbisyo at programa na gaganapin sa CN Agro-Sports Center bilang pasasalamat ng gobernador sa walang humpay na suporta sa kanya ng kanyang mga kababayan.
Nangunguna rito ang Bloodletting Activity ng Philippine Red Cross (PRC) simula ika-7:30 ng umaga hanggang ika–10 ng umaga sa pamumuno ng kanyang maybahay na si Gng. Josie Baning-Tallado bilang PRC CN Chapter Chairman.

Kasabay ng bloodletting ay magsasagawa rin ng Multi-Services Caravan sa Agro-Sports Center simula alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali. Ito ay para sa mga Senior Citizens ng bayan ng Daet at para rin sa mga residente ng Brgy 1, 2, 3, 4, 8, Mambalite, Cobangbang, San Isidro at Camambugan.
Sa ganap na ika-1 ng hapon ay magkakaroon ng banal na misang pasasalamat. Kasunod nito ay ang pagbasbas sa Organic Trading Post at ng Camarines Norte Government Workers Multi-Purpose Cooperative Building na nasa tagilirang bahagi ng Agro-Sports Center. Mula doon ay magbabalik sa loob ng Sports Center para sa Distribution Program.
Sa sektor ng mga magsasaka, ang Farmers Federation of Sta Elena ay pagkakalooban ng 4-wheel drive tractor at post harvest equipment sa ilalim ng PAMANA Project. Kabilang dito ang ceremonial awarding of certificates for recipients of non-motorized banca para sa 200 benepisyaryo.

Binigyang prayoridad din dito ang mga nakatatanda kung saan ilulunsad sa okasyon ang “Pustiso para kay Lolo at Lola”. Kasama rin dito ang mga persons with disability (PWDs) na mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya na bibigyan ng educational assistance. Tatanggapin din ng mga day care workers ang kanilang mga honorarium.
Isasagawa rin dito ang distribution ng halagang tig-P2,000.00 para sa unang ng Cam Norte Provincial Government High School Education Assistance Program (CNPGHSEAP) na magmumula sa mga bayan ng San Lorenzo Ruiz at Vinzons. Ang educational assistance para sa mga CNPGCEAP grantees ay ibibigay sa kolehiyong pinapasukan nila bilang bayad sa kanilang tuition fee na hanggang P5,000.00 bawat semester.

Magkakaroon din ng ceremonial turn-over of kabuhayan kits para sa pamilya ng mga Provincial Jail inmates. Mamamahagi rin ng 21 VHF Radio Base sa 12 bayan at iba pang organisasyon dito sa Camarines Norte.

Dito rin ipagkakaloob ang certificate of occupancy para sa Samahan ng mga Mamamayan ng Bagong Lipunan sa Purok 2, Brgy. Bagasbas, Daet na sa mahabang panahon ng paghihintay ay mapapalipat na rin sa kanila ang pagmamay-ari ng lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan. Ang naturang lupain ay bahagi ng may 3.12 ektaryang lupain ng Pamahalaang Panlalawigan na ngayon nga ay ipinagbibili na sa SMBL at mga kwalipikadong residente sa naturang lugar. Isang munting pangarap ng mga tag-Bagasbas na mabibigyang-katuparan sa kaarawan ni Gob. Tallado ngayong taon. 

Mark Ong/ Lorena Dela Torre-Ibasco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *