OWNERSHIP NG LUPA NA KINATITIRIKAN NG 1ST RIZAL MONUMENT AT CN SPORTS CENTER, NAIS PAGPALITIN!

Rizal-Monument-608

Hinihiling ngayon ng LGU Daet na makipag-palitan ng pagmamay-ari ng mga lupaing kinatitirikan ng Camarines Norte Agro Srpots Center at ng 1st Rizal Monument.

Sa Ulat sa bayan ni Mayor Tito Sarion sa Sangguniang Bayan Kahapon, binanggit nito na nais ng LGU Daet na makipag usap sa pamahalaang panlalawigan hinggil sa usapin ng pakikipaglitan ng ownership ng naturang mga historical land.

Ang Lupain ng Agro Sports Center, ayun umano sa record ay pag mamay-ari ng pamahalaang lokal ng Daet, Samantalang pag aari naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang lupaing kinatatayuan ng Bantayog ni Rizal.

Kung sakali anyang maipagpalit na ang ownership ng nasabing mga lupain, mas magiging madali na para sa dalawang pamahalaang lokal ang pangangasiwa at pangangalaga ng nasabing historical landmark at gusali.

Magiging ganap nang pag aari ng pamahalaang panlalawigan ang lupain at gusali ng sports center samantalang magiging pag-aari na rin naman ng pamahalaang lokal ng Daet ang 1st Rizal Monument at kanya kanya na sila sa pangangasiwa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.