INSIDENTE NG PAMAMARIL SA J. LUKBAN ST. DAET, WALANG MALINAW NA RESULTA ANG IMBESTIGASYON!

608---shooting

Isang insidente ng pamamaril ang naganap kamakalawa ng gabi (Hulyo 11, 2015) bandang alas-8:10 ng gabi sa kanto ng J. Lukban St. at Dasmariรฑas St. Daet, Camarines Norte.

Ayon sa panayam ng mga awtoridad sa mga taong nakapaligid sa lugar ay nakamotor umano ang bumaril sa isang lalaking naglalakad lamang sa nasabing lugar na agad din namang tumakbo at sumakay ng tricycle pagkatapos itong paputukan ng mga di nakilalang suspek.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang isang basyo ng callibre .45 na baril.

608---shooting-2

Ayon naman sa panayam ng Camarines Norte News kay COP Paul Abay, wala pang malinaw na resulta ang imbestigasyon sapagkat kulang ang impormasyong kanilang nakuha sa mga taong nakasaksi at mismong ang biktima ay hindi na rin nagreklamo.  Hindi pa rin matukoy kung ang biktima ba ay tinamaan o hindi.

JP De Leon

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.