SI GINANG JOSIE BANING-TALLADO AT ANG KANYANG ADBOKASIYA!

Balik na sa pagiging aktibo sa pag tulong sa mga mamamayan ng lalawigan ang unang ginang hanggang sa mga liblib na sulok ng lalawigan. Sa ilalim ng init ng araw at malakas na buhos ng ulan, personal na hinahatid nito ang mga tulong sa mga Daycare Pupils, mga mahihirap na mamamayan at maging sa mga nangangailangan ng dugo na pandugtong buhay sa pamamagitan ng kanyang mga outreach programs ng Philippine Red Cross na kanyang pinamumunuan. Mula sa pagiging isang simpleng maybahay, naitalaga si Ginang Tallado bilang Chairperson ng PRC Camarines Norte Chapter at dito, mas nadagdagan pa ang mga gawain nito sa pag tulong sa kapwa sa kanyang misyon na palaganapin ang kaalaman sa kaligtasan at kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sariling dugo kapalit ng buhay ng kapwa. Ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya ay hindi naging hadlang sa hangarin ng unang ginang na maging instrumento na makapaghatid ng pag-asa sa bawat mamamayan. Naging matatag si ginang Tallado na sa tulong ng dasal at pagkapit sa Diyos ay unti-unti nyang naibangon ang pansamantalang nagpahina ng kanyang pag-asa. Sa ngayon, makikitang magkatuwang na muli ang mag asawa na tumatayong ama at ina ng lalawigan sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan saan mang sulok ng probinysa. Hangad ni Ginang tallado na tuloy tuloy na ang panunumbalik ng sigla ng kanilang pamilya at gayundin ang paglago ng pagmamahalan at pag respeto ng bawat mamamayn ng lalawigan at sa kani-kanilang pamilya. Ang kanyang pagpapatuloy ng kanyang mga pagtulong sa kapwa sa kabila ng pinag daanan ay sumasalamin sa isang taong may kababaang loob na punong puno ng pagmamahal at pag-asa sa kanyang puso… Si Ginang Josie Baning Tallado ay nagsilbing inspirasyon sa napakaraming kababaihan, hindi lamang sa lalawigan ng Camarines Norte kundi sa buong Pilipinas na nagpakita ng katatagan at pagiging isang mapagmahal na maybahay na ipinaglaban ang kanilang binuong pamilya. Narito ang mga larawan kung saan makikita ang unang ginang na kapiling ang mga batang paslit na kanyang tinutulungan at iba pang mga mamamayan ng Camarines Norte. Ang mga ngiti sa labi ng bawat bata ay sya namang nagiging lakas ni Ginang Tallado upang ipagpatuloy pa ito hindi lamang ngayon kundi sa mga darating pang panahon.

TULAY NA LUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

608-1
608-5
608-4
608-2

Sa pagpunta ng mga Volunteers ng Philippine Red Cross sa Tulay na Lupa National High School para ihatid ang mg serbisyo ng Red Cross InfoServices Caravan, isa muling sertipikasyon ng pasasalamat ang iginawad kay Ginang Josie Tallado bilang Chairwoman, pinangunahan ang paggawad ni Head Teacher 3/Officer in Charge Carolina Quilas Ofracio kasama ang iba pang mga guro sa dahilang nakarating sa kanila ang serbisyong handog sa kanilang mga estudyante ng Tula na Lupa National High Sschool. Todo ang pasasalamat ni Carolina Quilas Ofracio, Officer incharge/Head Teacher 3 ng Tulay na Lupa High School sa bayan ng Labo sa nangyaring Red Cross InfoServices Caravan. Marami ang naka-avail ng serbisyong libreng gupit, hot oil at bunot ngipin sa parte naman ng mga estudyante at teachers gayundin ang food for work na mga biscuits at mga librong kanilang magagamit. Ang Red Cross InfoServices Caravan ay umiikot sa mga eskwelahan sa Camarines Norte para ibigay ang serbisyo ng libre sa ating mga kababayan na pinamumunuan naman ni Gng. Josie Tallado bilang Chairperson nito.

SITIO IGANG, BATOBALANI, PARACALE
Makailang beses ng binalikan ni Ginang Josie Tallado at grupo nito ang Sitio Igang, Batobalani, Paracale kung saan naghatid sya kasama ang kanyang grupo ng mga libreng serbisyo katulad ng bunot ngipin, paggugupit at pamimigay ng mga school supplies sa mga residente ang mga ma aaral., tsinelas, food for work na mga biscuits at mga librong maghahatid ng karunungan sa ating mga estudyante. Ang Redcross Info-Services Caravan sa pamumuno ni Mam Josie Tallado halos narating ng ang mga barangay malayo man yan o malapit.

RIZAL, STA. ELENA

608-8
608-9
608-11
608-6
608-10
608-12

Mainit ang ginawang pagtanggap ng mga residente ng bayan ng Sta Elena kay Ginang Josie Tallado sampu ng kanyang mga kasamahan upang muling magbahagi ng mga school supplies para sa mga daycare pupils sa lugar. Nagtungo rin ang grupo sa Rizal National High School upang magbuo ng Senior Red Cross Youth Council na siyang magiging kaagapay ng ahensya sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na may kinalaman sa first aid at pagtugon sa mga sakuna o trahedya.Taos puso ang pasasalamat ng mga residente, partikular na ang mga magulang ng mga nabahaginang mga kabataan. 

STA. CRUZ TALISAY

608-1
608-2
608-3
608-4

Sorpresang tinungo ng PRC-Cam Norte Chapter sa pangunguna ni Ginang Josie Tallado ang Sta. Cruz Talisay, upang maghatid pa rin ng mga libreng serbisyong handog ng Red Cross InfoServices Caravan kabilang na nga rito ang pamimigay ng mga school supplies sa mga mag aaral sa lugar.

ST. PETER DAY CARE CENTER  BRGY. MAGSAYSAY CAPALONGA

608-1
608-2
608-3
608-4

Labis na kagalakan ang hatid sa mga mag aaral ng St. Peter Day Care sa Brgy. Magsaysay, bayan ng Capalonga ang pagtungo ng grupo ni Ginang Josie Tallado kung saan namahagi rin ang grupo ng mga school supplies sa 25 na daycare pupils. Nagtapos ang aktibidad sa pasasalamat ng mga magulang at mga Daycare worker sa ginang at sa mga serbisyong naipahatid sa kanila ng ahensya, anila’y nakakagalak na ramdam nila ang pag aalaga at pag mamahal ng ina ng lalawigan sa mga anak nito.

SAN PEDRO DAY CARE CENTER-STA. ELENA

608-1
608-2
608-3
608-4

Lubos ang pasasalamat ng mga magulang ng mga mag aaral ng San Pedro Day Care Center sa Bayan ng Sta Elenasa ina ng lalawigan na si Ginang Josie Tallado matapos nitong sadyain ang kanilang barangay at pangunahan ang School Supplies Distribution sa lugar. Mainit ang ginawang pagtanggap ng kanilang Daycare Worker kasama ang Council at iba pang opisyales ng nasabing barangay. Kasama rin sa pagpunta ni Ginang Josie Tallado si Mayor Dina Borja na humahanga rin sa nasabing programa para sa mga kabataan.

SAN PASCUAL, BASUD

608-1
608-2
608-3
608-4

Tinungo ng grupo ni Ginang Josie Tallado ang brgy. San Pascual sa bayan ng Basud upang mamahagi ng mga School Supplies sa mga kabataan sa lugar. Lubos ang naging pasasalamat ng mga magulang at ng San Pascual Brgy. officials sa serbisyong hatid ng Red Cross InforServices Caravan kung saan maging ang mga malalayong barangay katulad ng sa kanila’y naabot at nabahagian rin ng mga libreng school supplies.

SAN NICOLAS, TALISAY

608-1
608-2
608-3

Kasamang nagpakuha ng litrato ni Ginang Tallado ang mga mag aaral at ilang mga brgy. officials ng San Nicolas sa bayan ng Talisay  matapos magsagawa ng pamamahagi ng mga bagong school supplies, kabilang na mga ang mga bagong bags at payong sa mga daycare pupils sa lugar.

SAN JOSE TALISAY

608-1
608-2
608-3
608-4

Tuloy tuloy ang mga serbisyong handog ng Red Cross InfoServices Caravan, tinungo PRC-CamNorte Chapter sa pangunguna ni Ginang Josie Tallado ang San Jose, Talisay kung saan pamamahagi pa rin ng mga school supplies ang naging pangunahing layunin. Samantala, matatamis na ngiti at pasasalamat ang naging sukli ng mga daycare pupils kay Ginang Tallado matapos matanggap ang kani-kanilang mga bagong kagamitan pang eskwela.

SAN FRANCISCO TALISAY

608-1
608-2
608-3
608-4

Masayang tinanggap si Ginang Josie Tallado ng ilan sa mga barangay officials ng San Francisco, Talisay. Naging prayoridad ng ginang sa pagtungo niya roon ang pamamahagi ng mga school supplies sa mga Daycare pupils. Bago lumisan ang grupo, ay nagpasalamat ang mga magulang sa kanila at sa serbisyong ipinaabot ng grupo sa mga katulad umano nilang nasa malalayong barangay.

PRINCE ARNOLD DAY CARE CENTER-MAMBALITE DAET, CAMARINES NORTE

608-1
608-2
608-3
608-4

Magiliw na pagtanggap ang sumalubong kay Ginang Tallado sa pagtungo ng kanyang grupo sa Brgy. Mambalite sa bayan ng Daet, upang mamahagi ng mga school supplies sa mga daycare pupils n Prince Arnold Day Care Center. Mahigit 80 mga mag aaral ang nakatanggap ng mga mga bagong supplies sa ginawang pamamahagi, samantala, ganoon na lamang ang pasasalamat ng mga brgy. officials at mga Daycare workers sa ginawang pagpapasaya ng grupo ni Ginang Josie Tallado sa mga kabataan ng Mambalite. 

POBALACION 1 BASUD

608-1
608-2
608-3
608-4

Panibagong araw na naman para sa grupo ni Ginang Josie Tallado, tinungo nila ang Poblacion 1 sa bayan ng Basud at doon nga nagsagawa ang grupo ng School Supplies Distribution kung saan nabigyan ng mga bagong gamit pang eskwela ang mga Daycare pupils ng barangay. Taos puso ang naging pasasalamat ng mga daycare workers at ng mga magulang sa inihandog ng ina ng lalawigan sa kanilang mga estudyante.

PB ELEN BORJA SAN LORENZO STA. ELENA

608-4
608-3
608-2
608-1

Todo suporta ang mga magulang ng San Pedro Day Care Center ng Bayan ng Sta Elena kay Ginang Josie Tallado sa programa nitong School Supplies Distribution ng ito ay tumungo sa kanilang barangay kasama ang grupo nito. Mainit ang ginawang pagtanggap ng kanilang Daycare Worker kasama ang Council ng nasabing barangay, kasama ring sa pagpunta at namahagi ni Ginang Josie Tallado si Mayor Dina Borja na humahanga rin sa nasabing programa para sa mga kabataan.

PARACALE NATIONAL HIGH SCHOOL

608-1
608-2
608-4
608-5

PRC-CamNorte Chapter sa pamumuno ni Mam Josie Tallado nakarating na sa Paracale National High School. Maraming mga kabataan at mga guro ang naka-avail nang serbisyong hatid ng Red Cross InfoServices Caravan katulad ng libreng bunot ng ngipin, gupit at hot oil. Kasabay nito ay kinilala ang Paracale National High School Senior Red Cross Youth Council kung saan binubuo ito ng mga kabataang handang matuto para sa layunin na makatulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.

LARAP NATIONAL HIGH SCHOOL

608-1
608-2
608-3
608-4

“Patuloy ang aming paghanga sa mga ginagawa ni Ginang Josie Tallado lalo na’t di nya kinakalimutan ang aming barangay” pahayag ng isa sa mga residente ng lugar nang tunguhin ni Ginang Josie ang barangay Larap, Jose Panganiban. Sa pagtungo niya maraming nabiyayaan at natulungan ng Red Cross InfoServices Caravan kasabay nito ang pagbuo ng Senior Red Cross Youth Council na ginanap naman sa Larap National High School.

JOSE PANGANIBAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Layunin ng Red Cross na ilapit ang boluntaryong serbisyo para sa mga nangangailangan at ihayag na rin ang kanilang kaalaman para maibahagi naman sa iba katuwang ang mga estudyante sa bawat eskwelahang pinupuntahan. Ang Red Cross 143 sa Jose Panganiban National High School, maraming mga kabataan ang nakiisa at sumama…MGA KABATAANG MAY PAGNANAIS NA MAKATULONG rin sa IBA

JOLLY DAY CARE CENTER BRGY. BAUTISTA LABO

608
608-1
608-3
608-4
608-2
608-1

Sorpresang tinungo ng grupo ni GinangJosie Tallado sa Jolly Day Care Center ng Brgy Bautista, doon ay namahagi ang grupo ng School Supplies sa mga daycare pupils. Nagpahayag naman ng paghanga  si PB Armando Quintela sa ginagawa ni Gng. Josie para sa mga kabataan dahil sa taun-taon at halos makailang balik na ring napuntahan ang kanilang barangay sa ganitong klaseng programa para sa mga kabataang kanyang nasasakupan.

GUMAUS NATIONAL HIGH SCOOL

“Salamat po sa mga serbisyong hinatid sa aming eskwelahan, ramdam namin ang pagpapahalaga ni Mam Josie Tallado dito dahil ma-aavail na namin ang serbisyong handog ng Red Cross InfoServices Caravan, first time na may ganitong serbisyo sa amin…salamat po sa mga Volunteers!” pahayag ng mga faculty ng Gumaus National High School dahil sa kauna-unahang pagkakataon may ganitong paglilingkuran na nangyari sa kanilang eskwelahan. Ang RedCross InfoServices Caravan na nangyari sa Gumaus National High School bayan ng Paracale. GENERAL PTA FEDERATION BRGY. LARAP    Mam Josie Tallado nagpasala608-1mat sa mga 608-3608-2magulang na bumubuo ng General PTA Federation sa Barangay Larap National High School sa patuloy na suporta at tiwalang ipinagkakaloob sa kanya bilang Chairperson ng Red Cross-CamNorte Chapter ng ating mga kababayan. Sa kanyang mensahe ay kanyang ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan sa pagpapalaganap ng impormasyon at paghahatid serbisyo sa ating mga kababayan! DAGUIT NATIONAL HIGH SCHOOL 11665665_1178888268803458_6358666221258194813_nIsang sertipikasyon ng pagkilala at pasasalamat ang iginawad kay MamJosefina B. Tallado bilang Chairperson ng Red Cross-CamNorte Chapter sa walang sawang suporta at tulong na ibinibigay nito sa Daguit National High School bayan ng Labo lalo na sa pamamagitan ng Red Cross InfoServices Caravan. Ito ang kauna-unahang sertipikasyon na natanggap ni Mam Josie sa mga nangyayaring pag-iikot sa bawat eskwelahan para ibahagi ang mga gawain at serbisyong naitutulong ng Red Cross kasama ng mga Volunteers sa bawat CamNorteno. CARAVAN (ANACETA DELARA NATIONAL HIGH SCHOOL) 608-1608-2Ang Red Cross Infoservices Caravan na ginanap sa Anaceta Delara Pimentel High School sa Labo. Maraming mga kabataan muli ang naserbisyuhan kaya ganun na lang ang pasasalamat ng mga teachers natin doon kay Mam Josie Tallado. CAMARINES NORTE COLLEGE LABO 608-1608-2Naisakatuparan ng maayos ang Red Cross InfoServices Caravan sa Camarines Norte College-Labo kasama ang serbisyong gupit, hot oil, bunot ngipin at ang mga librong magagamit naman ng ating mga teachers sa pagtuturo. Nakabuo na rin ng Senior Red Cross Council sa naturang eskwelahan na siyang magiging kaakibat sa anumang kalamidad na mararanasan sa ating lalawigan. BRGY. PAGSANGHAN-BASUD 608-1608-2608-3608-4BARANGAY OLD CAMP, CAPALONGA CAMARINES NORTE 608-1608-2608-3608-4BRGY IBERICA LABO 608-1608-3BRGY GUINATUNGAN, BASUD 608-1 608-3 BRGY. GABON, TALISAY 608-1608-2608-3608-4BRGY CAAWIGAN, TALISAY 608-1608-3BAGONG SILANG 2 NATIONAL HIGH SCHOOL

608

Red Cross Orientation and Organizing of RED CROSS YOUTH at Bagong Silang 2 National High School

SENIOR RED CROSS YOUTH COUNCIL(STA.CRUZ JOSE PANGANIBAN)

608-2
608-3
608-4

Maging handa sa lahat ng oras lalo na sa pagdating ng mga kalamidad yan ang layunin ng grupo ng Red Cross Youth Council na binubuo sa bawat eskwelahan na tinutungo naman na pinamumunuan ni Mam Josie Tallado bilang Chairperson nito kaalinsabay rin nito ang pamamahagi ng mga serbisyong bitbit ng Red Cross InfoServices Caravan. Ang pagtungo ng mga Volunteers sa Sta Cruz National High School bayan ng Jose Panganiban. ANACETA DELA LARA PIMENTEL HIGH SCHOOL

608-1

Senior Red Cross Youth Council ng Anaceta De Lara Pimentel High School

ALAYAO CAPALONGA

608-1
608-2
608-3
608-4

AGRO SPORTS CENTER, DAET, CAMARINES NORTE

608-1
608-2
608-3
608-4

Mam Josie Tallado nakadaupang palad ang mga kababayan nating nangangailangan ng serbisyo sa kaarawan ni Gov Egay Tallado. Ang kanyang ginagawang pag-iikot sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tsinelas, food for works na mga biscuits at mga school bags naipamahagi rin sa Agro Sports Center noong July 9, 2015. KAARAWAN NI GOV. EGAY TALLADO 608-3608-4Katagumpayan ng programa ng Red Cross-CamNorte Chapter sa pamumuno ni Mam Josie Tallado bilang Chairperson nito nangyari sa kaarawan ni Gov Egay Tallado, ang Donate Blood and Save Lives! Maraming mga kababayan tayo ang boluntaryong nagbigay ng dugo para maging tugon naman sa pangangailangan ng ating mga namamarangay.     Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.