Isinagawa ang ika apat na Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Skills kaninang umaga (July 29, 2015) sa Sanayang Pangkaligtasan sa Sitio Mat-E, Brgy Sto. Domingo, Vinzons Camarines Norte bilang bahagi ng taunang pagsasanay ng mga mag aaral sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay dinaluhan ng mga mag aaral mula sa anim na pu’t pitong (67) paaralan sa lalawigan. 38 walong paaralan mula sa elementary level, 27 sa High School level at 2 sa kolehiyo.
Ang ganitong pagsasanay at kompetisyon ay taunang isinasagawa upang mas lalong mapaghusay ang kasanayan ng mga mag aaral may kaugnayan sa pagharap sa kalamidad lalo pa’t patuloy ang pagbabago ng panahon dulot ng Climate Change.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi na rin ng programa ni Governor Edgardo Tallado upang mabawasan ang pinsala at walang buhay na malalagas sakaling may dumating na kalamidad o sakuna.
Ang Provincial Risk Reduction Management Office na pinangungunahan ni Ginoong Tony España ang syang pangunahing tagapag sulong naturang programa na patuloy na sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ni Gobernador Talado bilang tumatayong PDRRMO Chairman sa lalawigan.
Layunin nito na magkaroon ng kasanayan at tagapagligtas sa panahon ng sakuna at kalamidad sa loob ng bawat tahanan kahit nasa murang gulang pa lamang.
Ang naturang program ay dinaluhan din ni Provincial Administrator Joey Boma, kinatawan mula sa Phil Army at ilan pang mga opisyal mula sa mga paaralan.
Camarines Norte News
(Photos courtesy of Rodel Paqquita and Romil Delmoro)