Camarines Norte (August 7, 2015) — Ipinag utos ng Pamahalaang Panlalawigan ang paggamit ng Wikang Filipino sa lahat ng transaksyon at komunikasyon bilang paggunita sa Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Sa bisa ng atas tagapagpaganap bilang 2015-20, na pinirmahan ni Gov. Edgardo Tallado, ipinag uutos sa lahat ng tanggapan, kawanihan, kagawaran, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan at sa lahat ng pribadong tanggapan na gamitin ang Wikang Filipino sa lahat ng opisyal na mga transaksiyon, sulat at korespondensiya sa panahon ng paggunita ng buwan ng wika ngayong Agosto 2015.
Ayon pa din sa atas tagapagpaganap,binibigyang importansya dito ang kahalagahan ng Wikang Filipino, bilang instrumentong nag uugnay sa ating mga Pilipino.
Nakasaad naman sa Saligang Batas ng Pilipinas 1989 na dapat nating payabungin at pagyamanin ang ating sariling wika. Na nagsisilbi namang inspirasyon ng ating pamahalaang panlalawigan hanggang ngayon.
Ronald Molina/Princess I. Teaño
Camarines Norte News