OPLAN VIPS (VISIBILITY IN PLACARDS AND SIGNBOARDS) INILUNSAD KASABAY ANG SEMINARS AND TRAININGS SA BUONG CAM NORTE!

Camarines Norte (August 10, 2015) — Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) ang  programang OPLAN VIPS o ang VISIBILITY IN PLACARDS AND SIGNBOARDS nitong nakatalikod na sabado (August 8, 2015).

Samantala, patuloy namang isinasagawa ang trainings and seminars ng Municipal Police Stations, Camarines Norte Police Provincial Office at ng lokal ng pamahalaan sa iba’t ibang munisipalidad upang magkaroon umano ng “Omni-Presence” sa pagitan ng mga residente at ng PNP.

Kaugnay nito, isinagawa ang tatlong araw na Skills Enhancement Training and Launching of Oplan VIP’S sa para sa unang batch ng mga Brgy Tanod sa Mercedes nitong nakatalikod na Biyernes (August 7, 2015), alas nuebe ng umaga.

Nakasentro ang aktibidad sa papel ng ating mga Brgy Tanod bilang mga unang responders sa mga krimen.Idinaos ito sa Brgy Del Rosario Multi-Purpose Hall sa nasabing bayan.

Ang pagbubukas ng aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng welcome remarks ni Punong Brgy Lolita Echano kasunod ang mensahe ni Mayor Alexander Pajarillo at ang inspirational message naman galing kay PSSupt Harris Fama, OIC PD.

Sa talumpati ni Fama, kanyang tinalakay ang mga usapin tungkol sa koordinasyon at relasyon ng Philippine National Police (PNP) at ng mga Brgy Tanod pag dating sa pagpapanatili ng peace and order Kasabay nito ang paglunsad ng OPLAN “VIPS”o ang Visibility in Placards and Signboard at pagbibigay ng Signboards sa seminar.

Samantala, ipinahayag naman ni Hon. Pajarillo ang kanyang suporta sa nasabing OPLAN VIPS sa pamamagitan ng pagbigay nya ng karagdagang pondo para sa pagpagawa ng mga signboards sa Mercedes.

Nakasaad din sa mga signboards at placards na ipinamamahagi ang mga cellular number na maaaring masumbungan ng mga civilian sa oras ng pangangailangan na inaasahang makapagpapabilis pa sa pag responde sa anomang emergency o krimen.

Princess Isaac Teañ0

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.