MGA ANGKOP NA GAWAIN SA PAGDIRIWANG NG IKA-115 ANIBERSARYO NG SERBISYO SIBIL, INILATAG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE!

DAET, Camarines Norte, (Agosto 13, 2015) — Inilatag ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang mga angkop na gawain kaugnay sa selebrayon ng pagdiriwang ng ika-115 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil na may temang “Kayang kaya mo, Lingkod Bayan!”.

Batay ito sa Atas Tagapagpaganap Blg. 2015-022 na ipinalabas ni Gobernador Edgardo A. Tallado bilang pag-aproba at pagpahintulot sa pagdiriwang ng Serbisyo Sibil sa lalawigan simula sa Setyembre 1 hanggang Setyembre 30 ngayong taon.

Kaugnay nito, ang lahat na sangay ng pamahalaang lokal at pambansang ahensiya kasama ang mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan at mga pamantasan at kolehiyong pang-estado na saklaw ng lalawigan ay inaatasang makiisa, sumuporta, makilahok at tumulong para sa matagumpay na selebrasyon ng serbisyo sibil ngayong buwan ng Setyembre.

Sa bahagi ng programa, ang mga sumusunod na pangkalahatang programa ng gawain ay iminumungkahi kaugnay ng isang buwang pagdiriwang sa lalawigan kung saan isasagawa sa unang araw ng buwan ng Setyembre ang Tree Growing Activity na pamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-PENRO) ng pamahalaang panlalawigan.

Pangungunahan naman ng General Services Office (PG-GSO) ang “Re-Orientation of Drivers on Basic Traffic Rules and Proper Operation and Maintenance of Vehicle” sa Setyembre 2 sa little theater ng kapitolyo probinsiya.

Sa Setyembre 7 ay isasagawa ang flag rasing ceremonies sa kapitolyo probinsiya at ang pagbubukas ng inter-agency sportsfest ganundin ang misang pasasalamat at penlight parade.

Magkakaroon din ng Barangay Gender Sensitivitiy Seminar sa Setyembre 16 at Bloodletting Activity sa Setyembre 19 na pamumunuan ng Philippine Red Cross ng Camarines Norte.

Kabilang pa rin sa mga gawain at programa ang Physical Fitness Program sa Setyembre 23 at ang Outreach Program o Family Day ng Camarines Norte Council Personnel Officer (CNCPO).

Ang lahat na may kinalaman o may mahalagang papel at gagampanang gawain sa naturang okasyon ay binigyan ng sipi ng Atas Tagapagpaganap para sa kanilang kaalaman at agarang pagkilos ayon sa itinakdang gawain kaugnay sa pagdiriwang ng ika-115 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil.

Reyjun Villamonte

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *