ANCOP GLOBAL WALK, ISINAGAWA SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE! GOV. TALLADO SINUPORTAHAN ANG NASABING PROGRAMA!

ANCOP-608

Kahapon isinagawa ang nationwide ANCOP (Answering the Cry of the Poor) Global Walk na ang pondong makakalap mula sa sponsorship at registration fees ng mga lumahok ay ilalaan sa scholarship program ng mga mahihirap na kabataan.
Ang ANCOP Global Walk ay isang programa ng Couples for Christ (CFC) na isinasagawa taun – taon simula pa noong 2011 sa 104 na bansa at 81 lalawigan sa Pilipinas. Dito sa Pilipinas, ang pinaka-sentro ng naturang programa ay ginanap sa SM Mall of Asia sa Pasay kasabay ang lahat ng mga Global Walks sa ibat-ibang panig ng daigdig.
Sa Camarines Norte, pinangunahan ng Couples for Christ ang Global walk na nagsimula sa harap ng kapitolyo ganap na ika 6:30 ng umaga matapos ang isang maikling programa at aerobic exercise at binagtas nito ang sentro ng Daet na nagtapos muli sa kapitolyo. Tinatayang humigit-kumulang sa dalawang daan kasapi ng CFC at iba pang mga samahan ang nakiisa dito
Ilan sa mga nakiisa sa Global Walk ay ang Camarines Norte Provincial Police Office, Camarines Norte School of Law, EUS Construction, Philippine Dental Association at iba pang mga organisasyon. Kabilang din dito ang pamahalaang panlalawigan na sa pamamagitan ni Gob. Egay Tallado ay naglalaan ng registration fee para sa 50 walkers @ P300.00 each o kabuohang P15,000.00.


Ang Scholarship Program ng ANCOP ay nagkakaloob ng P12,000.00 bawat taon sa bawat isang iskolar sa elementarya at High School. Para naman sa nasa kolehiyo ay P23,000.00 bawat taon sa bawat iskolar ang inilalaan.

Mark Ong/ Jing Calimlim

for Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *