Ipinagdiwang ng mga kasundaluhan sa lalawigan ng Camarines Norte ang ika labing tatlong taong pagkakatatag ng 902nd Infantry Brigade na naka base sa Camp Busig-on sa barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Sa mensahe ni Governor Egay Tallado, na panauhing pandangal, nagpasalamat ang gobernador sa naging papel ng mga kasundaluhan sa iba’t ibang programa ng pamahalaan. Partikular na tinukoy ni Tallado ang pagbabantay ng mga sundalo sa mga infrastructure project na kanyang ipinatutupad sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa ngayon umaabot na sa humigit-kumulang 300 kilometro na ang napasementong kalsada ng pamahalaang Tallado.
Nakakatuwang din ni Tallado ang mga sundalo sa paghahatid ng mga serbisyo sa mamamayan particular sa multi-services caravan, mga blood donations, dental and medical mission at ilan pang mga programa.
Sa mensahe naman ni Col. Amador Tabuga Jr., labis din ang naging pagpapasalamat nit okay Gov. Egay Tallado dahil sa mga programang ipinatutupad nito sa lalawigan na nagaangat sa kabuhayan ng mga mamamayan, dahilan para madagdagan ang mga nagbabalik loob sa pamahalaan na mula sa kabilang panig.
Camarines Norte News
Photo: Courtesy of Roden Rosario